Chapter 23

30K 1K 57
                                    

Chapter 23

Note: This story has sensitive parts/scenes that are not suitable for some readers. I do not promote self-harm, however there are such kind of scenes that are essential to this story. Please stop reading if you can't take those parts. Thank you!

"Be careful when driving," President said to Faerie.

"Yes, Sir," she replied smiling. Bago sumakay ng sasakyan niya ay tiningnan niya ako.

Binuksan ko ang pinto ng kotse. Papasok na ako nang biglang tumikhim si President. "See you tomorrow."

Tipid akong ngumiti. "See you po." Pumasok na ako at ini-start ni Faerie ang sasakyan. I could feel her looking at me, but I just stayed quiet.

"Lilipat na si Sahara sa Hasse Colleges Rizal. I'm sure she'll be the talk of the town."

Nilingon ko siya. Dumeretso ang tingin niya sa gate na bumukas. President wanted to drive us home but since Faerie brought her car, she insisted to take me with her.

"I don't care about her," I simply said.

"I just hope she won't do something scandalous. It's obvious that she's infatuated with the president."

Tumahimik na lang ako dahil wala rin naman akong maisip na sabihin. Nagpatugtog ako at sumandal sa headrest.

Nagising ako sa pakiramdam na may nakatitig sa akin. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang tapat ng apartment.

Nang lingunin ko si Faerie ay nakatingin lang siya sa akin. "What?" I asked.

"Gusto mo bang magpa-appointment tomorrow? I'm worried."

Lumabas ako ng kotse at kinuha ang mga gamit namin sa backseat. Sumunod siya sa akin papasok ng apartment.

"Ayoko nang bumalik doon. 'Wag kang masyadong mag-alala sa akin dahil okay lang ako." Inilapag ko sa sofa ang mga dala.

"Pilit na ngiti. Malungkot na mga mata. Walang gana pagkain. Laging tulog."

Pumasok ako sa kwarto at umupo ako sa kama. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Akala mo ba hindi ko napapansin?" tanong niya.

Hinubad ko ang sapatos at humiga. I tapped the bed but she stayed where she was standing.

"I'm okay as long as you're there." Inangat ko ang mukha at nagtama ang aming mga mata. "Hindi mo naman ako iiwan tulad nila, 'di ba?"

Tumakbo siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Mariin kong ipinikit ang mga mata.

"I'm sure that I won't leave you. How about you?" her voice broke.

Lumandas ang luha sa aking pisngi. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Your life will be fine without me." Inangat ko ang tingin sa kanya.

I could see how hurt she was with what I said.

"Nakakaramdam na naman ako ng pagod. Baka sa mga susunod na araw, hindi ko na naman ma-control ang isip ko," pag-amin ko.

Kumalas siya sa yakap ko at bumangon. "My life will never be the same without you, Amity. Remember that."

Lumabas siya ng kwarto. Nang isara niya ang pinto ay dinampot ko ang unan at isinubsob ang mukha rito. I cried making no sound. Sobrang bigat ng dibdib ko.

There were times like this and I could not understand myself. Humiga ako sa kama hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak. Nang nagising ako ay una kong napansin ang note sa bedside table.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon