I WAS alone, sulking in the corner while throwing dagger glances at Axel. Naka-upo ito sa may pang-isahang sofa habang may nakakalong na magandang babae at nakikipag-halikan dito.
At hindi lang basta halikan! They are exchanging salivas for goodness sake! Gross!
I lost count of the women I saw he make out with since we got here. Para siyang may banner na may nakalagay na "FREE KISS!". At ang hinayupak, enjoy na enjoy naman. Nakalimutan na nga yata niya na kasama n'ya ako e. He really is having the best night of his life! Nakakadiri! Wala na yatang parte ng katawan nito ang hindi pa nasasayaran ng kahalayan.
Akala ko noon si Kurt na ang pinaka mahalay na lalaking nakilala ko. Aba! Mas mahalay pala ang hinayupak na Axel na 'to. Si Kurt kasi panuod nuod lang ng mga X Rated na video. Ito namang lalaking 'to halos nagawa na yata ang lahat ng ipinagbabawal na teknik sa isang babae. Hindi ba natatakot ang lalaking 'to na baka magka-aids o HIV siya? Saka hindi ba siya natatakot na nakikita ni Lord ang mga kalokohan niya?
"Siguro nga hindi. Wala namang konsensya ang lalaking 'yan. Blinackmail nga ako e." I murmured to myself.
Napasimangot ako.
Habang siya nagpapakasaya ako naman nakalugmok lang sa sulok at gutom na gutom na! Kawawa tuloy ang mga taba ko. Hindi naman ako makakuha ng pagkain sa table dahil nahihiya ako. Saka naiilang ako sa mga lalaking palakad lakad na naka swimming trunks lang.
At isa pa 'yun sa ikinangingitngit ko. I am sorrounded by almost naked guys. Nasa isang pool party kasi kami. Narinig ko sa lalaking sumalubong kanina saamin na tropa yata nitong si Axel na birthday daw nito at pool party ang theme. Kami nga lang ni Axel ang bihis na bihis dahil halos lahat ng mga tao na nandito ay naka pang-swimming ang suot. And all the people here ay mukhang sosyal at nagniningning sa kagwapuhan at kagandahan. This world is not my world and I don't belong in here.
I weakly slapped my cheecks. Oh gawddd! Ano ba 'tong gulong pinasok ko?! Bakit ba napasok ako sa ganitong mundo?! Pagnalaman ni Kurt at Mely itong pinanggagagawa ko, siguradong walang katapusang sermon at sabunot ang aabutin ko. Isa pa 'tong problema ko. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanila ang pinasok kong deal kay Axel.
Lord halp meee!!!
"So, you're Axel's new pet huh?"
Napaangat ako ng tingin sa maarteng babaeng nagsalita. Nakasunod naman sa kanya ang dalawa pang babae. Magaganda sila at seksi, they also look like mean girls. Parang katulad sila nung mga babae sa movie na ipinanuod sakin ni Mely. Hindi ko maalala ang title pero it sounds like Lindsay Lohan.
Napadako ang tingin ko sa boobs ng babaeng nagsalita.
Are those real? Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko dahil hindi normal ang laki nung boobs n'ya e. Kasing laki ito ng sampung pinagsama samang boobs ni Mely. Or even fifteen. Naaawa tuloy ako sa bra na suot n'ya. Parang hirap na hirap suportahan ang hinaharap n'ya.
"A-ano?" Kapag kuwan ay tanong ko. Although I heard what she said, I just didn't get what she meant.
She rolled her eyes at sobrang arte niyang itinaas ang kilay sakin. "Are you deaf?" She said, pointing at me. "I said, you're Axel's new pet." She has this fake annoying australian accent.
"Huh?" I said dumbfounded. Ewan pero hindi ko talaga magets ang sinasabi n'ya. O epekto lang 'to ng gutom ko.
She rolled her eyes again. "Gosh! I never thought that Axel will get himself an ugly and stupid pet." She laughed. "At babae pa."
"A-anong pet?" Nagtataka kong tanong. Ay ewan hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Oh don't you know?." Maarte itong tumawa kaya nakitawa na din ang dalawang babaeng kasama n'ya.
BINABASA MO ANG
Baby Fats
General FictionIn order to protect myself from this cruel world, from the rapist, from the maniacs, I've decided to cover myself with baby fats. **** ¡This story is under revision!