Kabanata 2: Puting Lobo

26 1 0
                                    

Napapalayo na si Kiara sa kanilang tahanan dahil sa kakahanap sa alaga nilang lobo na si Kara. At sa murang edad niya ay napaka-inosente ng kanyang kaisipan.

Dahil sa kanyang paglalakad ay nakarating siya sa medyo magubat na lugar na may kalayuan sa kanilang tahanan.

"Kara!" Sigaw ng munting bata

"Kara! Pasaway kang aso ka!"

"Kara! Kara! Kara!" Sigaw pa niya

At habang siya ay naglalakad, nakakita siya ng isang malaking puting lobo. Mas malaki pa sa alaga nilang si Kara. At nakipagtitigan pa sa kanya ang lobong ito.

Kinabahan ang munting bata sa hindi normal na laki nito pero hindi maalis sa kanya ang paghanga sa itsura ng lobo.

Sa isip ng bata, "Mukhang matutuwa ang ate ko sa malaking aso na 'to, mukhang matalinong hayop". Kaya nginitian niya ang malaking lobo at sinubukang lumapit rito.

Hindi gumagalaw ang puting lobo at patuloy lang niyang pinagmamasdan ang bata habang ito ay lumalapit sa kanya. Hanggang sa makalapit na ito ng tuluyan.

"Naliligaw ka din ba? Ako din" at mas lalo pa itong lumapit sa kanya.

"Nawawala kasi yung aso naming si Kara. Nakita mo ba siya? Maganda din siya tulad mo, maganda" at hinawakan na nang bata ang puting lobo at hinayaan lang siya nito.

"Gusto mo sa amin ka nalang? Mabait kami ng ate ko. Aalagaan ka nun" nakangiting sabi ng bata habang hinihimas ang mga balahibo ng lobo.

"Wow! Ang lambot naman ng buhok mo" tuwang-tuwa na sabi ng bata na puno ng pagkamangha.

At habang hinihimas ni Kiara ang malaking puting lobo ay siyang dating ng alaga nilang si Kara. At umaalulong na tinatawag ang kanyang munting amo.

"Andito ka lang pala Kara kanina pa kita hinahanap, naligaw na tuloy ako hmm"

"halika lumapit ka rito may ipapakilala ako sayo, magiging bago mong kalaro medyo malaki lang siyang aso kaysa sayo"

Ngunit hindi lumapit ang lobong si Kara bagkus ay tumalikod ito at nag-umpisa ng maglakad.

"Halika, umuwi na tayo at isasama na kita" at hinila ng bata ang balahibo ng puting lobo. At nagpaubaya naman ang puting lobo at sumunod sila sa lobong si Kara.

Habang naglalakad sila ay nagsasalita lang ng nagsasalita si Kiara.

"Sundan lang natin si Kara, alam niya ang daan pauwi. Hindi naliligaw yan kaya kahit pasaway yan, hinahanap ko yan kasi naligaw na ako e, pag hindi ko siya nakita, hindi rin ako makakauwi hehehe" sabi ng bata

"Bakit ang laki mong aso?"

"Bakit kulay puti ka?"

Salita lang ng salita ang bata hanggang sa makalapit na sila sa kanilang tahanan.

"Halika na! Ayun na yung bahay namin" turo niya sa kanilang tahanan

"Kiara! Kara!" Sigaw ng ate niya

"Ate!" Sigaw ng bata

At nang makalapit na sila ay medyo nagulat si Nala sa nakita niya na nakasunod sa likod ng kanyang kapatid. Niyakap muna niya ang alaga na si Kara at ng makalapit naman si Kiara ay niyakap niya rin ito. Pero napatingin pa rin ito sa nilalang na nasa likod lang ng kanyang kapatid na nakatingin din sa kanya. Tumingin siya sa kanyang kapatid at ngumiti.

"Sino naman ang kasama mo Kiara?"

"Ate, aalagaan natin siya para may kalaro na si Kara at ng hindi na alis ng alis si Kara"

"Saan mo naman siya nakita?"

"Doon po sa malayo"

Nilapitan ni Nala ang malaking lobo at tiningnan ng mabuti.

"Ate, Lara nalang ang pangalan niya para pareho sila ni Kara, pareho silang maganda"

"Pero Kiara, hindi siya babae, lalaki siya"

"Edi hindi na sila pwede maglaro ni Kara"

"Pwede naman"

"Hindi ate, kasi baka iligaw niya si Kara, ayaw ko mag-asawa si Kara"

"Saan mo naman nakuha ang ideya na yan?"

"Sayo ate"

"Kailan ko sinabi sayo ang tungkol sa panliligaw at pag-aasawa?"

"Diba sabi mo para makapag asawa ang mga hayop, nililigaw muna tapos mag-asawa na, at mamamatay na tulad ng magulang ni Kara, ayaw ko mamatay si Kara ate"

Naloka si Nahla sa pinagsasabi ng kanyang kapatid, tunay ngang napakabata pa nito.

"Hindi mamatay si Kara, okay"

"Okay, pero dito pa rin siya sa atin ate ah" turo ni Kiara sa puting lobo

"Oh siya sige, ano ang ipapangalan mo sa kanya?"

"Ahm? mmm? Koro-koro!" Masayang banggit ni Kiara

"Koro-koro it is" Masayang ayon ni Nahla sa kapatid

"Hello Koro-koro!" Baling ni Nahla sa lobo ng biglang lumapit ito sa kanya at pinatong ang ulo nito sa balikat ng dalaga.

"Ate, mukhang gusto ka ni Koro-koro"

"Mukha ngang gusto niya rito sa atin"

°°°
Vote and Comment

°°°
Thanks 😇

Werewolf In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon