Kabanata 4: Beta Akie

10 1 0
                                    

Akie's

Tatlong araw na ang nakalilipas mula ng umalis si Alpha Kio. Dapat ay sinamahan ko na lang siya para hindi ako nag-aalala ng ganito.

Kung hindi lang dahil sa tungkulin ko rito ay nag matigas na siguro ako na samahan siya.

"Akie!"

"Beta Akie" diing sabi ko sa bagong dating

"Grabe ka naman Akie, parang wala tayong pinagsamahan niyan"

"Jiro, wala tayong pinagsamahan" matigas kong sabi sa kanya

"E ano't naging magkaibigan tayo, halos sabay na tayong lumaki. Maliit palang tayo ay magkakasama na tayo nina Kio"

"Alpha Kio" diing sabi ko, "Sa susunod matuto kang gumalang sa nakatataas sayo kahit pa na magkaibigan kayo, at isa pa. Hindi tayo magkaibigan. At kung magkasama man tayong lumaki, yun ay dahil lagi kang nakabuntot kay Alpha Kio.

At isa pa, malaki na tayo kaya pwede ba. Dumistansya ka sa akin kung wala ka namang sasabihin na importante"

"Una, hindi ako buntot ni Kio dahil magkaibigan talaga kami. Pangalawa, kung Kio lang ang tawag ko sa kanya yun ay dahil sa pagkakaibigan walang estado. Pangatlo, marunong akong gumalang sa nakakataas sa akin at alam ko kung saan lulugar. Pang-apat, kung ako buntot ni Kio atleast we're best friends no matter what. Kaibigan niya ako at kaibigan ko siya. E ikaw? Kaibigan din ba ang tingin mo sa kanya? Kasi ako sigurado akong kaibigan lang ang tingin niya sayo. Aalis na ako Akie" mahabang sabi ni Jiro bago umalis.

Baliw na yun. Dumaan lang para asarin ako, kainis. At kahit nakakainis ay tama siya sa mga sinabi niya at masakit din yun dahil alam ko at ramdam ko na magkaiba kami ng nararamdaman ni Kio. Akala ko ay magiging mas malapit kami sa isa't isa ng hirangin siyang Alpha at naging Beta ako. Pero hindi dahil mas lalo lang kami pinaglalayo ng mga tungkuling nakaatas sa amin.

Ang lapit niya ngunit ang hirap niyang abutin. Kailan mo ba ako mapapansin? Hanggang kailan ba ako maghihintay sayo? Meron nga ba akong hinihintay? O umaasa lang ako sa wala?

Naku! Ano ba itong naiisip ko? Baka nakatuon lang talaga si Alpha Kio sa tungkulin niya dahil malaking responsibilidad ang nakaatas sa balikat niya. Tama! Ganun nga! Kaya hindi niya mabigyang pansin ang mga ganoong bagay. Kaya itutuon ko din ang aking sarili sa aking tungkulin. Masyado lang talaga ginulo ng Jirong yun ang isip ko, hindi ko hahayaan na masira niya ang araw ko.

"Beta Akie!"

"Bakit Will? May nangyari bang masama?" Kinakabahang tanong ko dahil ang alam ko ay dapat nag-eensayo ang mga ito sa training ground.

"Wala pong masamang nangyari sa ating pangkat o sa teritoryo natin" hingal na sabi niya

"Kung wala, e bakit kailangan mo pang tumakbo papunta sa akin" tanong ko

"Wala nga pong nangyari pero may masama naman pong mangyayari sa akin pag hindi po ako sumunod" at sabay abot niya sa akin ng palumpong rosas.

"At para saan ito, Will?"

"Pinapaabot po sa inyo, huwag raw kayong mag-alala o mag-isip sa kanya dahil mahal din daw niya kayo kahit hindi mo raw ipakita ay nararamdaman daw niya ang iyong pagtangi sa kanya" sabi ni Will

Nabigla ako sa kanyang sinabi, dumating na ba si Alpha Kio? Siya ang nagpapaabot nito sa akin? Biglang nag-init ang pisngi ko. Bakit ba? Wala naman sigurong masama na kiligin. Kahit na Beta ako ng pangkat ay isa pa rin akong babae na may pakiramdam.

"Sige, makakaalis ka na Will. Salamat sa pag-abot. Bumalik ka na sa pag-ensayo" pilit kong pinapakita na hindi ako apektado sa kanyang mga sinabi at pilit ko pa ring pinatigas ang aking pananalita upang itago ang aking nararamdaman.

Pagkaalis ni Will ay tsaka ako tumalikod at ngumiti. Naku siguradong ang pula-pula ng pisngi ko pag nakita ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko maiwasan na yakapin ang mga bulaklak at amuyin ngunit ng yakapin ko ito ay may mga tinik akong naramdaman. Mabango naman ang mga rosas na ito pero may mga tinik pa.

At meron akong napansin na maliit na sobre kaya binuksan ko ito. Isang sulat.

Mahal kong Akie,

Kasing ganda mo ang mga rosas na iyan na ako pa mismo ang namitas, at kasing pula rin nito ang mapupula mong labi. Hindi ko na inalis ang mga tinik ng malaman mo na tulad nito ay isa ka ring matinik na babae at kasing talas nito ang iyong mga salita. At gusto kong malaman mo na kahit masaktan man ako ay sisikapin kong ika'y makuha.

P.S. The more you hate, the more you love. That's why I know you love me too.

Nagmamahal,
Your Jiro

AAAHHH!!! JIIIROOO!!! BWEEESIIIT KAAA!!!
BWESIT KA TALAGAAAAA!!!

°°°
Vote and Comment

°°°
Thanks 😇

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Werewolf In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon