Kabanata 3: Kio

22 1 0
                                    

Kio's

"Anong balita?" tanong ko

"Nasa ayos pa rin ang lahat, Alpha" sagot niya

"Beta Akie, wala bang mga umaaligid sa labas ng teritoryo natin?" tanong ko

"Sa ngayon, wala pa akong nakikitang kahinahinala sa paligid ngunit..."

"Nakakapagtaka ang pananahimik nila" pagpapatuloy ko sa dapat niyang sabihin

"Makakaalis ka na, ako ng bahala manmanan ang paligid ng teritoryo natin" sabi ko

"Aalis ho kayo? Hindi ba delikado? Sasamahan ko na kayo, Alpha"

"Kailangan ko pa bang ulitin ang sasabihin ko. Huwag mo na akong samahan. Dumito ka nalang dahil ikaw lang ang maaari kong pagkatiwalaan sa mga kasama natin dito. Ako ng bahala sa sarili ko at kung nag-aalala ka ay iingatan ko ang aking sarili" wika ko

"Kung iyan ang nais mo, aalis na ako" sabi ni Beta Akie bago umalis

Pagkaalis ni Akie ay lumabas sa likod ng aking inuupuan si Jiro.

"Talaga bang magmamanman ka sa paligid o maghahanap ng nilalang" sabi niya

"Kilala mo talaga ako" ngisi ko

"Sabihin na nating alam ko ang likaw ng bituka mo, bakit kasi hindi nalang si Akie ang gawin mong Luna. Kahit babae ay malakas, matalino at maganda pa, at hindi lang siya basta babae kundi Beta pa, mataas ang kanyang katayuan sa ating samahan" suhestiyon niya

"Bakit hindi ikaw gayung ikaw naman ang nakakakita ng mga katangiang yan sa kanya. Oo, alam kong maganda, matalino at malakas siya. Katangian ng isang magandang pinuno ngunit hindi siya ang napupusuan ko. Alam mong mga musmos palang tayo ay kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at kung may hihigit pa dun ay bilang isang kapatid lamang. Kung meron man may pagtangi sa kanya rito? Ikaw yun at hindi ako, alam natin yan pareho" sabi ko

"At pareho rin nating alam na ikaw lang ang tinatangi niya at wala ng iba, kahit anong gawin ko ay ikaw pa rin ang napapansin niya. Samantalang, mas magandang lalaki ako ng di hamak sayo hhahaha" sabi niya

"Mabuti ka pa nga at natagpuan mo na ang babaeng nais mong makasama. Samantalang ako, hindi ko siya makita rito kaya magbabakasakali ako na makita ko siya sa labas ng ating teritoryo"

"Hindi ba delikado lalo't tahimik ang kabilang kampo ngayon at siguradong may binabalak ang mga iyon laban sa atin"

"Bagay nga kayo ni Akie, pareho kayo ng sinabi. Baka nais mo rin akong samahan niyan hhahaha"

"Baliw! Pero sigurado ka ba?"

"Oo, gagamitin ko itong pagkakataon para mahanap siya at makapagmanman na rin, baka magkaroon tayo ng iba pang impormasyon"

"Ikaw ang bahala at sana'y mahanap mo siya at huwag lang sana isang paslit ang makita mong Luna hhahaha"

"Siraulo ka talaga! Sana ay mapansin ka narin ni Akie at bugbugin ka sa sobrang pangungulit mo sa kanya hhahaha"

At pareho kaming natawa sa huli naming pag-uusap.

Sa kabilang banda, habang naglalakad ako sa anyong tao ay malayo na rin itong nararating ko pero sakop pa rin ito ng teritoryo namin kahit malayo na ito sa kuta namin.

Habang naglalakad ako ay may naramdam akong mga nilalang. Wala sana akong balak magpalit anyo ngunit merong isang lobo na may amoy ng tao. Hindi ko mawari kong taong lobo rin ito pero para makasigurado ay nagpalit anyo na ako.

At ng makita kong isang normal na lobo lang pala ang nilalang na naaamoy ko, at mukhang alagang lobo ito kaya siguro may halong amoy tao ito. Magpapalit anyo sana ako ngunit meron akong nakitang isang paslit at napakagandang bata nito. Meron akong nararamdaman na kakaiba sa batang ito na hindi ko mawari.

Nakakatuwa rin ang batang ito dahil mukhang hindi siya natatakot sa katulad ko. Alam kong hindi normal ang laki ko sa normal na lobo pero nilapitan at kinakausap pa ako.

Iyon nga lang ay hindi ko siya pwedeng kausapin dahil ang tingin nito ay isa akong normal na hayop lang. Sumama ako sa kanya kasama ang alaga nitong lobo na tinatawag niyang Kara at nauuna ito sa amin. At sigurado akong nakakaramdam si Kara na hindi ako normal na nilalang. Pero alam niyang wala akong masamang balak sa amo niyang paslit na napakadaldal.
Natatawa nalang ako sa mga sinasabi nitong batang ito.

At habang naglalakad ay nakaramdam ako ng kakaibang kagalakan. Hanggang sa makarating kami sa tirahan nitong batang kasama ko at nakita ko mula sa malayo ang isang magandang dalaga na tinatawag niyang "Ate" at sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon ko.

"Hello Koro-koro!" Baling niya sa akin, lumapit ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya

"Ate, mukhang gusto ka ni Koro-koro" sabi ng bata

"Mukha ngang gusto niya rito sa atin" sabi ng dalaga

"Sa wakas nakita na rin kita" sabi ko sa loob-loob ko

°°°
Vote and Comment

°°°
Thanks 😇

Werewolf In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon