Kabanata 1: Nahla

42 1 0
                                    

Nahla's

Nag-iikot ako dito sa bakuran namin at hinahanap ang nakababata kong kapatid na si Kiara. Hindi naman ako masyadong nag-aalala sa kanya dahil malawak naman ang lupa na pag-aari namin, na kinatitirikan ng aming munting bahay. Medyo malayo ito sa kabihasnan at malawak na sasapat lang para sa aming dalawa ni Kiara at ng alaga namin na si Kara, isang babaeng lobo na kulay abo.

Ang alaga namin ang dahilan kung bakit pinili namin tumira sa ganitong lugar na malapit sa kalikasan at malayo sa kabihasnan. Ang mga magulang namin ay mahilig sa mga hayop, lalo na sa lobo.

Ang aking mga magulang, ay mga Veterinary Doctors. May alaga din silang mag-asawa na lobo noon, sina Kiro at Kira.

Naabutan ko pa sila, at sabay din nanganak ang aming alaga na si Kira at ang aking ina. Nauna lang nanganak nang ilang minuto si Kira sa aking ina. At pinangalanan naming Kara, ang anak nina Kiro at Kira. At ang kapatid ko naman ay pinangalanan naming Kiara.

Nangyari ito noong nakaraang limang taon. Parehong binawian si ina at Kira ng buhay matapos nila manganak. Kaya kami nalang ni ama, Kiara, Kiro at Kara ang natira sa pamilyang ito.

Makalipas ang isang taon ay binawian naman ng buhay ang alaga naming si Kiro. Simula ng mamatay ang kanyang asawa ay nawalan na siya ng nang gana. Maayos naman ang kanyang katawan pero nanghina pa rin ito at binawian pa rin ng buhay.

Ang sabi noon ni ama ay hindi sakit ng katawan ang ikinamatay ni Kiro, kundi ang labis na kalungkutan nito at sobrang pananabik sa asawa nitong si Kira.

"Ama, bakit hindi lumaban si Kiro para sa kay Kara? Hindi ba niya mahal ang anak niya?"

"Anak, nabuhay si Kiro para kay Kara dahil mahal niya ito at bunga nang pagmamahalan nila ni Kira. Ngunit ang sakit na dinulot ng pagkawala ni Kira ay mahirap maghilom. Masaya siya dahil kay Kara pero nalulungkot din siya ng dahil kay Kira."

"Bakit nawalan pa rin po siya nang gana mabuhay"

"Anak, hindi siya nawalan ng gana mabuhay. Lumaban siya para kay Kara. Kailan mo siya nakita na hindi kumain at hindi uminom ng mga bitamina? Pinilit niyang maging malusog ang katawan para manatili sa tabi ng kanyang anak dahil kung hindi ay namatay na din sana siya noon pa kasabay ni Kira. Pinili pa rin niyang makasama ang anak nila. At hindi naman siya nawala na alam niyang walang mag-aalaga kay Kara. Nawala man siya, alam niya na nasa mabuting kamay si Kara."

"E ikaw ama? Iiwan mo din ba kami?"

"Balang araw anak, at pag nangyari yun. Alam kong kaya mo na at nasa mabuting kalagayan kayo"

"Paano kung hindi po? Paano kung mawala kayo pero hindi ko pa kaya?"

"Anak, may plano ang Diyos para sa bawat isa sa atin at hindi niya tayo pababayaan. At kung sakali man na mawala ako at sa tingin mo ay hindi mo pa kaya. May tiwala ako sa Maykapal na hindi ka niya pababayaan kaya nasa mabuting kamay ka pa rin"

At makalipas ang dalawang taon, simula ng mawala si Kiro ay si ama naman ang sumunod na pumanaw dahil sa malubhang sakit. Hindi ipinakita sa amin ni ama na meron na pala siyang dinaramdam. Kaya tatlong taon palang si Kiara ng maulila kami sa ama.

Ako na halos ang kinagisnan ni Kiara na magulang pero hindi ko hinayaan na hindi niya makilala ang aming mga magulang at kung gaano nila kami kamahal.

Naging isa rin akong Veterinary Doctor tulad ng aking mga magulang. Meron akong munting klinika sa bayan pero uwian pa din ako dito sa amin. At panatag naman ako kahit naiiwan mag-isa si Kiara dahil kasama naman niya si Kara. At kahit limang taon palang si Kiara ay marunong na siyang umintindi. Iniiwanan ko lang sila ng pagkain para sa pananghalian at meryenda. Dahil sabay kaming tatlo na kumakain ng almusal tsaka ako aalis para pumasok sa aking klinika at uuwi pagka alas tres ng tanghali dahil dalawang oras pa ang biyahe ko kaya mga ala sais na kami naghahapunan.

Ngunit pag Sabado at Linggo ay hindi ako pumapasok sa klinika para makasama ang aking kapatid at para makapagpahinga na rin. At speaking of Kiara ay nasaan na kaya siya?

Ang sabi niya ay hahanapin niya lang si Kara...

°°°
Vote and Comment

°°°
Thanks 😇

Werewolf In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon