First Chapter
Nasa parke ako, kasalukuyang nagpapahangin kahit gabi na. Wala din naman akong magawa ngayon e, kasi tapos na ako sa paghahanda ng sarili ko para sa darating na pasukan bukas. Tapos na akong pumunta sa simbahan, saka nakabili na din ng mga bagay na gagamitin ko para bukas. Nakaka-bored na din kasi dun sa condo unit ko, kaya napag-isipan kong maglakad-lakad muna sa isang malapit na parke dito at magpahangin.
Naglalakad lang ako. Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Ah, nakaka-relax.
Maya-maya’y bigla akong nakarinig ng boses ng babaeng humahagulgol. Nagtaka ako kung kanino galing yun, kaya napagpasyahan kong alamin kung saan ang pinagmulan nito. Napadpad ako sa may ilalim ng isang puno. Nakakita ako ng isang babaeng umiiyak dun habang nakaupo sa damuhan at nakatakip ang mga kamay sa kanyang mukha. Nilapitan ko siya kasi namamaga ang mga mata niya. Mukhang malaki ang kanyang problema at kailangan niya ng taong makausap. Ako yun. Lols.
Saka, napansin kong magandang-maganda siya, sobra! Ang ganda niya pa rin kahit umiiyak, pero ewan ko lang ba kung maganda din kaya ang ugali niya. Sana nga.
Kinalabit ko siya sa balikat. Iniangat niya naman ang kanyang ulo. Nagulat siya nang makita niya ako, pero yumuko din naman at nagsimula na namang umiyak. Mukha ba akong multo?
Umupo ako upang magka-level kami. Tinapik-tapik ko siya sa kanyang likod upang tumahan siya. Napatingin naman siyang muli sa akin.
“Uhm, miss? Okay ka lang ba?” tanong ko sabay ngiti sa kanya.
“S-sa tingin mo, m-mukha ba akong o-okay?” tanong niya pabalik at humagulgol na naman.
Nabigla ako sa kanyang sagot. Hindi ko inasahan ang sagot niyang yun ah.
“Tss. Sungit mo naman. Ako na nga tong may paki sa’yo e, kahit medyo FC akong tignan.” sabi ko.
Kumunot ang noo niya, tila di niya naintindihan ang sinabi ko. “H-ha? M-may paki ka s-sa’kin?”
Leche. Anong isasagot ko?
“P-parang ganun na n-nga.” nauutal kong sagot. Teka? Bakit ba ako nauutal?
Iibahin ko ang topic para hindi ako mas lalong mailang. “Ah, eh. Bakit ka pala umiiyak?”
Pinahiran niya ang kanyang luha bago ako sagutin. “E kasi, patay na ang kaibigan ko.” sabi niya at umiyak na naman.
“Ah, ganun ba? Condolence pala.” Nginitian ko siya.
“Salamat.” Nginitian niya ako pabalik. “Teka, g-gusto mo bang makita ang picture namin ng bestfriend ko? I tell you, napaka-cute niya. Mas cute pa siya sa’yo.”
Aray ko beh. Parang wala yata akong pag-asa sa kanya nito. But wait, cute din ba ako sa paningin niya? Aish! Ewan.
Tumango na lang ako bilang sagot. May kinapa siya sa kanyang bulsa, isang larawan. Ipinakita niya ito sa akin, at tinignan ko naman. Nang tuluyan ko na itong makita, gusto kong matawa and at the same time, lumayo sa kanya. Topakin yata ‘tong babaeng ‘to. Baka mahawa pa ako.
“Siya si Brea, ang pinaka-bestfriend ko sa buong mundo. Ang cute niya, ano? Sabi ko naman sa’yo e.” Niyakap niya ang larawan at hinalikan yung parte nito kung saan nakapwesto ang kanyang manika.
Manika ang bestfriend niya? Manika? Tngina. Baliw ‘tong babaeng ‘to. Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang napakaganda niya.
Gagawa ako ng paraan upang makaalis agad at makalayo sa kanya. Tumayo ako at nagpaalam na sa kanya. “Uhm, aalis muna ako ah? May kailangan pa kasi akong gawin e.” sabi ko sabay ngiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐲 𝐃𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚
FanfictionShe may be demented but still, all of me loves all of her. Her perfect imperfections make her different from girls I've met. Dare to lay a hand on her or face death.