Last Chapter

1K 56 28
                                    

Since this is the final chapter, or shall we say "epilogue", i'm switching Geoff's POV to Third Person's POV, kay? Okay. Also, since this is just a short story and not a novel, i'm changing "epilogue" to "last chapter". Hihi. Enjoy :)x

--

Last Chapter

Biglang bumagsak si Pristina sa sahig, kaya napatigil si Geoff sa pagtakbo. Nilapitan niya ito at nakitang duguan na ito. Natamaan pala si Pristina ng apat na bala, lahat tumama sa may likod niya.

Kung apat ang tumama sa kanya, ibig sabihin kay Geoff tumama yung isa.

Tinignan niya ang kanyang braso kasi medyo nakaramdam siya ng sakit sa may bahaging yun. Maraming dugo ang tumatagos, pero hindi niya muna yun pinansin. Para sa kanya, mas importante ang kaligtasan ni Pristina kasi marami siyang natamo na tama ng bala.

Hinawakan niya ang kamay nito. "Pristina, magpakatatag ka. Ayokong mawala ka agad-agad. Masyado pang maaga." nangingiyak niyang sabi.

Iyak lang ng iyak ang dalaga habang umuubo ng dugo. "G-geoffy, i'm t-trying to be s-strong, b-but I think I c-can't take this a-anymore."

"Hindi! Hindi totoo yan! Alam kong kaya mo pa!"

"N-no. I r-really can't h-handle this m-much p-pain anymore."

Biglang umepal si Francheska sa tapat ni Geoff at itinutok ang dala-dala niyang baril malapit sa ulo ni Pristina. "You heard that Geoff, right? She can't take it, so why are you still trying to bring her back even though she already wants to leave? You really are out of your mind, aren't you?" nakangising sabi nito sa binata.

Tumayo si Geoff at sinamaan ng tingin si Francheska. Sa tingin niyang yun, makikita mo talaga ang matinding galit na nararamdaman niya.

"Walang hiya ka talagang babae ka! Salot ka sa buhay ko! Sa buhay namin ng babaeng minamahal ko! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin! Hinding-hindi ako titigil hanggang hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Alexia, ng mga magulang ko, at lalong-lalo na sa pagpapahirap mo sa amin ni Pristina!"

"Hanggang salita ka lang naman Geoff, e. Sige nga. Subukan mo akong patayin. That is, kung kaya mong gawin sa'kin yun." sabi naman ni Francheska at nag-smirk ulit.

Hindi na nakayanan ni Geoff ang kanyang galit. Patakbo siyang lumapit kay Francheska at agad na inagaw ang baril mula sa kaaway niya ngayon. Ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya upang makuha mula kay Francheska ang baril. Ganun din ito sa kanya.

"Face it, Geoff. You shall be killed along with your stupid loved one and there's nothing you can do to stop it." sabi ni Francheska sa gitna ng pag-aagawan nila, subalit di siya pinakinggan ni Geoff.

Sa kabilang dako, nakahiga pa din si Pristina sa sahig habang naghahanap ng paraan upang tulungan si Geoff. Ayaw niya kasing humiga lang diyan at namimilipit sa sakit samantalang nakikita niyang nahihirapan ang pinakamamahal niya. Di bale nang ikamatay pa niya daw ito, basta nasigurado lang niyang nailigtas niya ang binata mula sa kamay ng bruha.

Sinubukan niyang tumayo. Lahat ng natitira niyang lakas, isinuko niya, makatayo lang at matulungan si Geoff. Lalapitan na sana niya si Geoff nang makakita siya ng isang lalaking tumutok ng baril papunta sa lalaking minamahal niya mula sa di kalayuan. Yun yung lalaking tumulong sa pagpapahirap sa kanila ni Geoff.

Nakita niyang titira na yung lalaki, kaya agad siyang tumakbo papunta sa likod ni Geoff at hinarang ang bala upang hindi ito makalapit sa binata. Parehong narinig nila Geoff at Francheska ang putok ng baril mula sa likod. Napalingon sila at parehong nagulat sa nakita. Tumakbo naman agad yung lalaki upang makatakas at iligtas ang kanyang sarili.

𝐌𝐲 𝐃𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon