Fifth Chapter

832 36 0
                                    

Fifth Chapter

Nagising akong nakaupo sa isang upuan habang nakatali ang aking mga kamay sa likod ko gamit ang isang pisi. Pinagmasdan ko ang paligid. Isang bombilya lang ang nagbigay ng liwanag sa silid. Sa aura pa lang ng paligid, nararamdaman ko nang masama ang magiging hantungan ng bagay na 'to.

Kinakabahan ako, subalit kinakailangan kong magpakatatag alang-alang sa kaligtasan ni Pristina.

Speaking of her, napansin kong wala sa paningin ko si Pristina. Mas lalo akong kinabahan. Hinanap siya ng mga mata ko, pero wala talaga siya dito sa silid na ito. Nagtaka tuloy ako kung ano nang nangyari sa kanya.

Bigla na lang akong nakaramdam ng panghihina. Medyo nahihilo pa nga ako. Baka sanhi yun ng malakas na pagtama ng kahoy sa akin. Leche yung gumawa sa'kin nun. Tsk.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin: kung uunahin ko ba yung pag-alala sa katawan kong nanghihina o ang makawala muna dito upang mahanap ko si Pristina. Ngunit mas importante Pristina kesa sa kalusugan ko, kaya siya ang uunahin kong hanapin, kahit na ikamatay ko pa 'to mamaya.

Ginawa ko ang lahat upang matanggal ang pising nakatali sa aking pulso, pero palpak talaga ako. Nababalot ng takot at pag-aalala ang puso't isipan ko. Ewan ko na lang kung ano na ba talaga ang gagawin ko ngayon. Nakakalito kasi nadadala na ako ng mga emosyon ko. Napayuko ako at nagsimulang pumatak ang mga luha ko mula sa aking mata.

Mamatay na ako, wag lang nilang saktan si Pristina.

Padabog na bumukas yung pintuan na siyang ikinagulat ko. Napatingin ako sa sinumang taong yun na pumasok. Nakita ko ang isang babaeng napakapamilyar na may kasamang dalawang lalaki. Yung isang lalaki, may kasamang babae na napakapamilyar din. Di ko sila masyadong maaninag kasi nga madilim ang paligid at dito lang sa may parte ng silid kung saan ako nakaupo may liwanag.

Dahan-dahan silang lumapit sa akin at dun ko na lang nalamang si Francheska pala yun, kasama yung dalawang lalaki nakita ko na dati, at si Pristina. Tinignan ko si Pristina. Nanghihina na din siya. Marami siyang natamong mga pasa sa katawan. Maggulo ang kanyang itsura. Nakatingin din siya sa akin. Bakas sa mga mata niya ang mga salita na gusto niyang sabihin sa akin: 'tulungan mo ako'.

Hindi ko matanggap ang anumang ginawa nila sa kanya. Pagbabayaran ng mga halimaw na 'to ang kanilang ginawa sa kanya.. sa amin.

Kumakalas ako mula sa pagkatali sa akin. Isinuko ko ang kalahati sa natitira kong lakas para lang makawala, subalit di talaga ako makawala. Napatawa si Francheska at yung mga kasama niyang lalaki, kaya napatigil ako at tumingin sa kanya.

"Habang tumatagal, nahahawa ka na talaga sa kabaliwan nitong babaeng ito, Geoff. Alam mo yun? Haha! Alam naman nating pareho na imposibleng makakawala ka diyan kasi mahigpit ang pagkakatali sa'yo, right? Pft. How stupid of you." Binigyan niya ako ng masamang ngiti.

Di ko pinansin yung sinabi niya kasi totoo naman. Hindi ko na kailangang umangal. Sinamaan ko lang siya ng tingin at sinigawan. "Putangina ka, Francheska! Pakawalan mo kaming dalawa! Wala kaming ginagawang masama sa'yo, kaya tigilan mo na ang mga kabalbalan mong ito! Kung makakawala ako dito, pinapangako kong papatayin kita! Gaga!"

"Ang tanong ay kung makakawala ka?" Humalakhak siya. "Are you trying to tell me a joke or to annoy me? Hah! Kung alin man dun sa dalawa, korni ka pa rin." Lumapit siya kay Pristina at hinablot ang buhok nito. "Do you want to know why i'm this furious to this btch, huh? Do you?!" sigaw niya.

Napalunok ako ng laway. "O-oo. Bakit b-ba?"

Hinila niya ang buhok ni Pristina, kaya sumigaw ito. "Ouch! My freakin' hair!"

𝐌𝐲 𝐃𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon