Hey there! Before you continue reading this story, let me remind you that the italicized part of this chapter is actually just a flashback. Ayoko kasing maglagay ng “flashback” at “end of flashback” para maiba. Hihi. Kaya yun. Wag sana kayong maguluhan. Na-explain ko na kasi. Labyu! :)
Dedicated nga pala kay ate Shaiceee kasi isa siya sa limang wattpad authors na iniidolo ko, saka di rin siya snob. Di kagaya nung ibang sikat na authors diyan na di namamansin. I super duper love her kasi ang bait niya, sobra. I love EKAIN too! So yeah. Hi ate! Sana di ka magbabago. Mwahhugs xo~
--
Third Chapter
Dahil bakante ako ngayon, pumunta ako sa school garden, ang lugar dito sa unibersidad na napag-isipan kong gawing tambayan. As usual, mag-isa na naman ako. Di ko kasi vibe makipagkaibigan sa mga tao dito e. Yung mga babae, ang lalandi. Yung mga lalaki naman, mga pa-cool, e hindi naman cool. Paniguradong wala akong magiging kaibigan dito.
Nakasaksak na naman ang earphones sa tenga ko. Wala naman kasi akong ibang magawa e. Habang nakikinig ng kanta, may bigla akong naalala, yung nangyari kaninang umaga.
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko sa loob ng aking kwarto. Pumunta agad ako dun at nakita si Pristina na dahan-dahang pinupulot yung mga basag na bahagi ng picture frame na nasira niya.
Grabe ‘tong babaeng ‘to. Wala talagang araw na di siya nakakabasag ng picture frame dito sa condo ko.
Nilapitan ko siya at kinalabit sa balikat. “Tabi! Ako nang maglilinis niyan.”
“Pero ako ang nakabasag e.” aniya.
“Wala akong pake. Ako na sabi ang maglilinis niyan!”
“Fine. Tsk.” Tumayo siya at umupo sa kama.
Matapos kong pulutin ang mga basag na bahagi ng picture frame, itinapon ko ito sa basurahang nasa loob lang din ng kwarto ko. Tinabihan ko agad sa pag-upo si Pristina sa kama, pero may distansya pa din. Napansin kong may hawak-hawak na naman siyang isang picture frame, pero ngayon, yung larawan na namin ng pamilya ko.
Tinitigan niyo ito ng maigi, kaya nagtaka ako. “O? May problema ka sa larawang ‘yan?”
“Ah, w-wala. It’s just that when I saw this picture, I remembered my family who’s currently living in Europe, and now, I sort of miss them already. I don’t even know their reason why they want me to study here in Philippines kahit na marami namang good universities dun. Ewan ko kung mahal pa rin ba nila ako, kasi simula nung napansin nilang medyo nagbago ako dahil sa kabaliwan ko, nilalayuan na nila ako. Hindi na nila ako pinapansin kagaya nung dati. But whatever their reason for ignoring me is, I just hope that what my guts are telling me isn't true.” Bumuntong-hininga siya at pinahiran ang kanyang kanang mata gamit ang kamay niya. “By the way, are they your family?” dagdag niya.
“Oo.” tipid kong sagot.
“Haay. You’re so lucky for having such a loving and caring family like them. You must be very blessed and glad for having them in your life, huh? I wish I have a family like yours. A happy family.”
Tumango lang ako at nginitian siya. Ngumiti din siya, pero umiwas din naman ng tingin pagkatapos. Akala niya hanggang ngayon, masaya pa din ako? Nagkakamali siya.
Lumapit ako sa kanya at kinuha yung picture frame mula sa kanyang kamay. “Kumpleto’t masaya pa ako nung buhay pa sila. E ngayon, di na e. Marami nang nagbago simula nung nawala sila sa buhay ko.”
BINABASA MO ANG
𝐌𝐲 𝐃𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚
FanfictionShe may be demented but still, all of me loves all of her. Her perfect imperfections make her different from girls I've met. Dare to lay a hand on her or face death.