Fourth Chapter
"Geoffy? Sigurado ka bang okay lang sa'yo 'to?" tanong ni Pristina.
"Oo naman. Okay lang. Di ka naman na masyadong pabigat sa akin e kasi nasanay na ako sa kahibangan mo. I assure you, naadjust ko na ang sarili ko para sa'yo." sagot ko naman sabay nginitian siya.
"Ah, okay. Sabi mo e." Nginitian niya din ako at bumalik ulit sa paglalaro sa iPad niya.
Nandito nga pala kami sa registrar's office dahil ipapabago namin ang schedule ni Pristina. Gusto ko kasi na kahit di kami pareho ng course ay magiging blockmate ko pa din siya, para naman mabantayan ko siya ng mabuti. Ayokong pabayaan siyang mag-isa, lalo na ngayong mainit ang ulo ni Francheska sa kanya.
Matapos ang ilang minuto ay tinawag na kami upang kunin ang bagong schedule niya. Lumabas agad kami dun at naglakad. Di ko pa alam kung saan kami patungo, basta naglalakad lang muna kami ngayon.
Habang naglalakad, tinignan ko yung class schedule niya para masiguradong parehong-pareho talaga kami, subalit di pa nga ako tapos sa pagtingin nito, agad niya itong inagaw mula sa akin, pero hinigpitan ko ang paghawak nito kaya di niya pa rin kayang kunin ito mula sa'kin.
"Geoffy! Let me see! Let me see my new schedule! Dali!" pangungulit niya habang inaagaw pa din yung schedule mula sa mga kamay ko. Dahil dun, napatigil kami sa paglalakad.
"Teka lang! Di pa ako tapos!" singhal ko, ngunit di niya ako pinakinggan.
"Pero I want to see it right now!"
"Mamaya na nga sabi e! Tinitignan ko pa!"
"I don't care. Just give it to me, now!"
"Leche. Ang tigas ng ulo! Mamaya na kasi! Wag ka ngang makulit!"
"Ako dapat ang magsasabi niyan sa'yo! Will you.. ugh.. give it t-to m-me! Shoot! Look what you've done!" sigaw niya at sinamaan ako ng tingin.
Nabitawan kasi naming pareho yung class schedule. Ewan ko lang kung saan tinangay ng hangin. Tsk. Baka kukuha na naman kami ng ganun mamaya. Kabadtrip!
"Anong ako? E ikaw nga 'tong hindi nakikinig sa mga sinasabi ko e! Sisihin mo yang sarili mo!" sabi ko at inirapan siya saka tinalikuran. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanya. Nakakainis na kasi siya, sobra!
Magsasalita sana siya nang bigla siyang napasigaw. Pero kahit na ganun, di ko pa rin siya nilingon.
"Aray! Ahh! Geoffy! Tulungan mo ako!" sigaw niya ng malakas.
Dahil dun, tinignan ko siya agad kasi natataranta na ako sa maaaring nangyari sa kanya. Nang makita ko na siya, bumungad sa paningin ko si Francheska na hinihila ang buhok niya. Nakaupo lang si Pristina sa sahig habang nagmamakaawa sa hayop na humihila sa kanyang buhok na bitawan siya.
Nilapitan ko sila, pero di ko natuloy kasi may dalawang lalaking humawak sa magkabilang braso ko. Kumakalas ako, pero hindi ako makakawala. Mas malakas kasi sila kesa sa'kin.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ko sa dalawang lalaki, pero di nila ako pinakinggan. Maya-maya'y may iilang estudyante nang nakisaksi sa nangyayari. Tss. Malaking gulo na yata ito.
Tinignan ko ulit ang dalawang babae, at ngayon ay pinapahid ni Francheska ang class schedule ni Pristina sa mukha nito. Isinaksak pa nga niya sa bunganga nito ang class sched.
Dahil sa ginagawang pang-aapi ng halimaw kay Pristina, nagalit na ako. Kumakalas ulit ako sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa braso ko, pero hindi nila ako binibitawan. Kaya ang ginawa ko ay sinipa-sipa sila nang malakas sa kahit saang bahagi ng katawan nila hanggang sa namilipit sila sa sakit. Nabitawan naman nila ako, sa wakas!
BINABASA MO ANG
𝐌𝐲 𝐃𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚
FanfictionShe may be demented but still, all of me loves all of her. Her perfect imperfections make her different from girls I've met. Dare to lay a hand on her or face death.