"MARIELLE, 'di ba siya 'yong crush mo?"kalabit sa kanya ng kanyang high school classmate sabay turo sa isang deriksyon.
Nang lingunin niya iyon ay nakaupo sa isang bench ang kanyang sinisinta. Hindi niya alam ang pangalan nito pero kahit na ganoon tinamaan ata siya ng meteor dito at sumapol iyon sa puso niya."Lapitan natin?" tanong nito.
"Ano ka? Hindi ako papansinin niyan. Ayoko, nakakahiya," aniya sa nahihiyang tono. Pa'no ba naman she's just a plain girl. Ni wala ngang nakakapansin sa kanya sa school at baka 'pag 'di pa siya nagsalita aakalain ng mga itong invisible siya.
"Hay, naku. Ayan tuloy may lumapit na sa kanya," nakasimangot na turan nito.
In-adjust niya ang kanyang salamin at tinitigan ang kasama ng kanyang sinisinta. Aba't ang mga schoolmate niya ang babata pa lamang lumalandi na! Dapat silang isumbong sa disciplinary office!
At ano namang kaso, Kira Marielle Gamba, aber?
PDA! Public Display of Affection. At pang-aagaw sa future boyfriend ko!
Ang lakas mo namang magpantasya ni hindi mo nga siya malapitan, eh. Napasimangot siya sa itinatakbo ng kanyang isipan.
Kasalanan ko bang maging hindi ma-appeal?
"ANO BA?! Tingnan mo nga iyang dinadaanan mo! Apat na nga 'yang mata mo 'di mo pa inaayos ang paglalakad mo! Gusto mo bang gawin kong anim 'yan? Freak," wika sa kanya ng isang babae. Kilala niya ito. Ito lang naman si Mency, ang 'Beauty Queen' ng school nila na parang binayaran ata ang mga judges tuwing sasali ito dahil parati itong panalo. Kahit nga ni wala naman atang sense ang sagot nito sa mga tanong dito. Well, ang magagawa nga naman ng mukha.
Tiningnan niya ito pataas. Oo, pataas dahil ang tangkad nito para sa second year high school student o sadyang maliit lang talaga siya. In-adjust niya ang kanyang salamin. "Sorry."
'Di niya kasi napansin ito dahil sa pag-babasa ng libro habang naglalakad.
"Well, what is the use of your sorry kung nabunggo mo na ako? Sa sususnod kasi gamitin mo 'yang salamin mo sa paglalakad. Sayang naman 'yan kung 'di mo magamit, no?"
"Baka naman ayaw gamitin, Mency," anang ng kasama nitong babae.
Ngumisi ito. "Ayaw mo bang gamitin? Well..." anito at marahas na hinugot ang salamin niya sa mata.
"Edi, 'wag na lang."Pilit niyang inabot dito ang salamin kahit na nga 'di niya na makita ang mga mukha ng mga ito. "Akina 'yan!" wika niya na patalon-talon pa dahil pinagpasapasahan ng mga higanting ito ang kanyang salamin.
Marami siyang narinig na tawanan. Mula rito pati na rin sa mga taong nanunuod sa kanya. Gusto niya ng umiyak. Nakakapangliiti ang mga ito, sa mas malalim na pakahulugan.
"Mency!" anang ng isang estudyante na biglang sumulpot.
"Khalil, my babe!" ani ni Mency at lumapit sa tinawag nitong khalil.
Lumipat din tuloy ang kanyang paningin dito. Kilala niya ito! Kahit aninag na lamang ang kanyang nakikita kilala niya ito. Pa'no ba naman ito ang dahilan ng pangangatog niya ng tuhod, ang 'di maayos na pagkatulog niya tuwing gabi, ang nagpapalakas ng tibok ng puso niya at ang pinagpapantasyahan niya! Ang lalaki na nakikita niya madalas na nakupo sa bench. So, Khalil pala ang pangalan nito.
"Stop bullying her," anito.
"But, babe. Siya ang may kasalanan. Binangga niya ako kahit na may salamin na siya. So, what's the use of her glass when she's not going to use it."
BINABASA MO ANG
Playful Heart
Romance"My heart only belongs to you. Only you." Marielle was in high school when she met her first Love, Khalil. She thought that she will never have a chance to meet him personally because she's just a simple lady. But the universe made it's own way. She...