"KIRA! May tawag ka," ani ng kanyang ina habang kumakatok sa pinto ng banyo nila.Dumilat siya. Nakatulog pala siya ng 'di niya namamalayan. Naalala pa niya ang kanyang panaginip. It is about her past life. About Marielle. Napangiti siya at bumangon na mula sa bathtub.
"Sino daw po?" aniya at nagsimula ng magbanlaw.
"Jeffrey daw."
Napakunot-noo siya. Jeffrey? Hinalukay niya sa kanyang isipan ang pangalan ng lalaki. Nang biglang maalala niya.
Ahhh. The guy from the party. Ang lalaking ito ang naging kausap niya buong magdamag sa party na pinuntahan nila ng kayang ina.
Well, 'di na nakakapagtaka ito. She's very attractive. 'Di miminsang nangyari iyon sa kanya. Kaya nga nahirapan siyang maalala ito, eh.
Nang lumabas siya sa banyo ay agad na iniabot niya ang telepono. "Hello?"
"Hi Kira," rinig niya sa kabilang linya. "I just wanna remind you about our date today. Wag mo kong indian-in ah."
Napa-"O" siya.. Actually, nakalimutan niya na. Ch-in-eck niya ang kanyang organizer. Nandon nga ang date nila. So, ibig sabihin, free siya. "Of course. Naalala ko."
"Then, good. I'll fetch you."
Matapos magpaalam ay ibinababa niya na ang telepono at lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa komedor.
"Miss Kira, flowers and chocolates po para sa inyo."
Sinipat niya ang mga iyon. Galing sa iba't ibang tao. O mas tamang sabihing iba't ibang lalaki. Tiningnan niya ang ginang. "Ya, kunin niyo na lahat ng chocolates d'yan. Ibigay niyo sa mga apo niyo at share-an niyo na din ang iba pang kasambahay. Ayokong tumaba 'no," aniya at tumawa. "At iyang mga bulaklak, ilagay niyo po sa lahat ng vase sa bahay na ito. Sayang naman 'pag 'di napakinabangan."
Tumango ito. Nagsimula na siyang kumain para pumasok sa eskwelahan.
"HOY! BARBIE-ING NAGLALAKAD. Anong ginagawa mo?"
Iniangat niya ang kanyang paningin, si Windy pala iyon. "Wala naman."
"Anong wala? Bakit andaming picture ng lalaki d'yan sa harapan mo at parang nag-i-einnie-meinnie ka pa?"
"Wala lang. Tinitingnan ko kung sino ang sasagutin ko sa kanila."
"Ano? Sasagutin? Whoah! Ganyan na pala mamili ng boyfriend ngayon, ah," singit ni Jhoan. "Para ka lang nasa karenderya!"
Natawa siya. "Pagkain na naman?"
"Well, katakam-takam naman kasi ang mga papabols mo," singit ni Aria na biglang dumaan sa kiosk. Kasama nito si Melo.
"Oo nga," kinuha ni Melo ang picture. "bigay mo na lang sa'min ang isa nito."
Napangisi siya. "'Di ba may bagyo ka ng itinatangi."
Napakunot-noo ito. "Heh! Wala 'no." Lalong lumakas ang kantyawan.
"Kayo? Sa tingin niyo sino ang sasagutin ko?"
"Ang taong mahal mo." Sabay-sabay na winika ng mga kaibigan niya.
Kinuha niya ang mga pictures na hawak na ng mga kaibigan niya. At dumiritso sa basurahan. Inihulog doon ang mga pictures. At bumaling sa kanila na may matamis na ngiti sa labi.
Nakita niya ang kanyang kaibigan na napanganga.
Natawa siya. Alam niya na ang naglalaro sa kukote ng mga ito. "Sa wala akong mahal sa kanila, eh. Mas maganda na ito. Single, yet beautiful. And very available. Mag-iipon muna ako ng papabols," aniya na sinagot ang lihim na tanong ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
Romantizm"My heart only belongs to you. Only you." Marielle was in high school when she met her first Love, Khalil. She thought that she will never have a chance to meet him personally because she's just a simple lady. But the universe made it's own way. She...