Chapter 8: Chocolate Cake Part 2

17 1 1
                                    

"HOW ABOUT you Yelina?" tanong ni Khalil.

Sumimangot siya. Naiitsapwera na siya sa date na iyon. Oo nga at kasama niya ang ever gwapong si Khalil pero ni hindi man lang siya pinapansin nito. Nakakainis! At ang ikinainis pa niya lalo ay palagi nitong kinakausap si Yelina na para bang nagustuhan nito ang babae.

Napangiti lang si Yelina. "Oo, gusto ko 'yon. Alam mo favorite ko rin 'yong bandang iyon noon, eh."

"Oo nga. Agree ako d'yan!" pagsingit niya. Isa na lamang siyang malaking singit doon. Tiningnan niya si Nef. Ni wala man lang gawin ito para mapalapit kay Yelina. Nakakinis na ito! Ito pa ang dahilan ng pagiging malapit ni Yelina at ni Khalil. Naalala pa niya ang usapan nila kanina.

"So, ininvite mo lang pala ako dahil alam mong si Khalil ang magiging partner mo? Nakakainis ka Kira. You'll pay for this."

At sa tingin niya, pinagbabayaran niya na iyon. Dahil nagiging madaldal si Yelina kahit hindi naman ganoon dati iyon. Maganda pa ang kwentuhan nila kanina.

"Khalil, wanna try this? Chocolate cake. I know you'll gonna love it."

"Hindi ako kumakain ng chocolate cake 'pag hindi home made," iiling-iling na wika nito.

"Ah, okay. How abou rellenong Bangus? Balita ko masarap daw 'yan dito." Tinggap naman ni Khalil pero kinuha nito ang kutsara sa kanya. Napasimagot siya.

"How about you Yelina? Gusto mo ng chocolate cake?" alok ni Nef kay Yelina.

"Mamaya na," pang-i-snob nito kay Nef.

"Alam niyo bang si Khalil ang bagong DJ ng CU."

Lumaki ang mga mata niya. Ito si DJ KJ? Oh, no! Nang dumako ang mga mata niya kay Khalil nakatingin ito kay Nef at parang gusting manapak. Dumako naman ang pansin niya kay Nef. Nag-kibit balikat lamang ito.

"Ikaw si DJ KJ?" Narinig niyang winika ni Yelina dahilan upang mapalingon siya rito. Nangingislap ang mga mata nito. Patay! May instant crush pala ito kay DJ KJ.

"Oo nga. Alam mo ang ganda ng boses mo, grabe! Hindi siya boses palaka. Kaya pala familiar sa'kin iyon," aniya. Napangiwi siya. Paano ba naman noong nakaraang lingo ang sabi pa niya kay Yelina na baka boses palaka ito at pangit. Naman! Ang matabil niyang dila!

"Alam mo palagi kitang pinakikinggan Hindi ako nagkamaling gwapo ka nga." May balak bang agawin ni Yelina ang kanyang irog? Nang tingnan niya si Yelina ay puro fondness lamang iyon. Kaya hindi ito in love sa Khalil niya.

She thought. Para kasing nagkaka-interes na si Yeina kay Khalil. And to her horror, Khalil is approaching Yelina. Na parang nakikipag-flirt pa ito dito. As far as she's concerned ang tipong babae ni Khalil ay iyong modelo ang pustura. Si Yelina ay simple lamang. Ni walang bilng-bling na nakasabit. Kaya imposible iyon. Or she thought.

Ilang taon na ang nakalilipas baka nagbago na ang Khalil niya.

Ramdam niya na ang paninikip ng dibdib. Never pa niyang nadanas na maitsapwera ng ganoon. "Excuse me," aniya. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa C.R.
Doon siya naglabas ng hinaing. "Nakakainis! No! Hindi dapat ganito ang nangyayari. Kung ganoon din naman pala. Sige, liligawan na kita ng harapan Khalil. Ayokong mawalay ka sa'kin muli." Humugot siya ng tissue paper at suminga doon. Nag-retouch na rin siya. Pero 'di na remidyuhan ang mata niya. "Okay lang 'yan." Lumabas na siya.

Nang balikan niya ang kanilang table. Nakita niyang si Khalil na lang ang nandoon. "Nasaan na sila?"

Itinuro nito ang dance floor. Buti naman at kumilos na ang unggoy. Tukoy niya kay Nef.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon