Chapter 3: Kira was born

19 0 0
                                    

NAG-SPRAY siya ngayon ng napakabangong perfume ng nanay niya. Naglagay din siya ng cream sa mukha. Ng mga oras na iyon, nakalugay din ang kanyang buhok pero 'di niya kayang alisin ang kanyang salamin dahil baka hindi na siya makarating ng buhay sa kanyang paroruonan.

This is it!

Aaminin niya na kay Khalil na may something in her heart that saying she's in love with him. Dahil ayaw niyang malayo rito kaya kahit ang e ay gagawin niya.

Kaya ko 'to!

Malapit na siya sa paparuonan ng biglang may humarang sa kanya. It's Mency and her witch friends!

"So? The freak is trying to be a swan?" Tiningnan siya ni Mency mula ulo hanggang paa."Well, alam ko, the duck was the one trying to be a swan. So, it will never happen that a freak like you would be a swan. Unless, magparetoke ka." Tumawa ang mga kaibigan nito.

"Excuse me. May pupuntahan lang ako," aniya. Ayaw niyang patulan ang mga taong ito. She's not a type of a war freak girl. Well, she must presume na ito talaga ang mga freaks.

"Sa'n ka naman pupunta, aber? Sa boyfriend ko?"

Nainis siya sa pantukoy nito kay Khalil. Kung patidin niya kaya ito? Nagbago na ang isip niyang 'wag na itong patulan. Laban kung laban! "Boyfriend? I'm sorry. Alam ko break na kayo."

"You! Sinadya mo siguro ang lahat ano? Mula sa pagkabunggo mo sa'kin hanggang sa pang-aakit kay Khalil! How dare you!"

Never niyang ginawa iyon. Masasabi niyang umaayon lamang talaga sa kanya ang tadhana. "Of course not. Hindi ko kasalanan kung masama iyang ugali mo!"

"Masama? Well, atleast 'di ako assuming. Anong akala mo magugustuhan ka ni Khalil? Hindi ikaw ang tipo niyang babae kaya kahit maglagay ka pa ng kung anong anik-anik sa mukha, hindi ka niya papatulan. Alam mo ba kung bakit? Because you're small, unattractive, boring and unnoticeable girl. Gusto niya ang mga popular na babae. 'Di mo ba na-check ang mga past girlfriend niya? You're just a dust compare to us."

Nanlabo ang mga mata niya. Paano ba naman totoo naman ang sinabi nito. Na isa lamang siyang small, unattractive, boring and unnoticeable girl. Kaya nga invisible siya sa mata ng lahat, eh. Masakit din ang katotohanang hindi siya magugustuhan ni Khalil kahit kailan.
Bakit ba ang unfair ng mundo? Bakit mayroon pang mga taong simple at magaganda? Nakakainis!

"Mar... Mency? What are you doing here?" ani ni Khalil na nakasakay sa motorsiklo.

Siguro nakita sila nito kaya lumapit na. Pinalis niya ang luhang nagmalabis sa kanyang pisngi.

"Watch out. Dahil kukunin ko siyang muli. And you will be forever a freak," bulong sa kanya ni Mency.
Bumaling si Mency kay Khalil. "K-khalil. Nag-so-sorry lang ako kay Marielle for what I've done to her. 'Yong inasal ko noon. And to you. I'm sorry. Tungkol kay Jake. Hindi naman talaga kami. I was just trying to make you jealous. Pero ikaw talaga ang mahal ko."

Ang bruhilda! Napakasinungaling! At anong balak nito ang tisudin si Khalil? 'Wag kang papalinlang Khalil!

Tumango lamang si Khalil at binalingan siya. "Hop-in," wika nito.

Lumapit si Mency rito. "Sure, Khalil."

"Not you, Mency. Marielle, hop-in."

Nagdiwang ang puso niya! Mahal niya na talaga ito dahil ito lamang ang nagpapasaya ng puso niya!

Umismid ang mga witch at sabay-sabay na tumalikod sa kanila.

Nang magsimula na nitong paandarin ang motorsiklo ay napatingin siya rito at mapangiti.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon