KUMAKAMOT ng ulo si Kira habang tinitingnan ang mga notang nakalagay sa notebook niya. Badtrip talaga ang MAPEH-Music Arts Physical Education Health- teacher nila dahil naisipan nitong magpatugtog ng instrumento. Hindi pa naman siya talented! Bad trip talaga! Pa'no na 'yon?
Muli niyang tiningnan ang mga nota. Twinkle Twinkle Little Star pa lang iyon, ah. Kailangan pa niya ng mas kumplekadong nota para makakuha ng 90 sa subject na 'yon.
Bakit pa kasi ipinanganak ang mga nota? Ang arte naman ni Guido d'Arezzo.
Ang hirap na ngang bigkasin ang pangalan nito, panira pa siya sa buhay ng tulad niyang mahina pagdating sa mga nota.
Magsisimula na ata siyang magsuka ng biglang may lumapit sa kanya at nakitingin sa hinahawakan niyang notebook. Ang bango ng pabango nito at kilala niya ang may-ari no'n! "Khalil!"
"Ano 'yan?" sa halip ay tanong nito.
Pero 'di niya pinansin ang sinabi nito. Agad niyang inilabas ang chocolate cake na baon niya. "For you."
"Thanks." Iniabot naman nito agad pero 'di pa din inaalis ang mata sa notebook niya. "Nota iyan ng Twinkle Twinkle Little Star, ah."
"Oo. Pa'no mo nalaman," aniya na nag-twinkling eyes pa dito. Kailangan iyon nang madaling mahulog ang loob nito sa kanya. Madalas niya kayang mabasa sa mga pocketbook na nagkakagusto ang mga lalaki sa mga babaeng pa-cute.
"Natugtog ko na kasi iyan no'ng grade 3 ako."
Wow! Ang talented talaga ng Khalil niya! Kaya nakaka-inlove ito, eh. "Talaga? Ibig sabihin marunong kang tumugtog ng instrument?"
"Yup." Binuksan na nito ang Chocolate cake nito.
"Wow! Ang cute naman ng design nito. Pero ang weird ata parang... ahh... basta ang cute," anito.
Napahiya siya sa isip. Pa'no ba naman ang original design no'n ay pa-heart pero dahil dumaan na naman ang hiya sa kanya, Oo, kahit minsan lang, binura niya iyon. Ang resulta? Parang isang apple na hugis mangga.
Pero sinabihan pa rin nitong cute siya! Hoy, Kira Marielle Gamba, hindi ikaw, 'yong cake.
Pareho lang 'yon!
"Salamat!" Pinanuod niya na itong kumakain. Ang cute talaga nito!
"May dumi ba ako sa mukha?"
Napahiya siya. "Ha? Oo, may dumi ka, oh." Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan ang 'dumi' nito sa bibig. Ang landi niya! Kahit wala naman talagang dumi iyon. Eeeeee! Nakaisa siya do'n!
Ito na ang mismong lumayo sa kanya dahil parang gusto niyang pati bibig ata nito'y mabura na. "Balik tayo sa notes mo. Para sa'n ba 'yan?"
Nag-flash back agad ang mga problema niya kay Guido d'Arezzo. "Kasi, kailangan naming tumogtog ng instrument para sa MAPEH. Wala naman akong alam na instrument at nakakabobo ang notes."
"Madali lang 'yan."
Natuwa siya! Nababasa niya ito, eh. Tuturuan siya ng lalaking gumamit ng instrument! Tapos, mai-in-love ito sa babae. Magiging happily ever after sila! Ngayon palang tumatalon na ang puso niya!
"Talaga? Ano 'yon?""Magpa-tutor ka."
"Sa'yo?"
"Bakit ako? Mayaman naman kayo. Magpaturo ka nalang sa professional."
Nadismaya siya. Bakit parang ayaw siyang turuan nito?
"Nakakahiya naman kasi kung ako pa. Amateur pa lang ako."
BINABASA MO ANG
Playful Heart
Romance"My heart only belongs to you. Only you." Marielle was in high school when she met her first Love, Khalil. She thought that she will never have a chance to meet him personally because she's just a simple lady. But the universe made it's own way. She...