NAKATULALA siya habang pinapanuod ang naglalaro sa soccer field ng CU. Hindi naman doon naka-focus ang atensyon niya kundi tungkol sa mga natuklasan nitong nakaraang linggo.
At kung paano na siya lapit-lapitan ni Khalil o John. Pero hindi na ito nagsusuot as John pati sa Chem class nila. Nagulat nga ang lahat ng malamang iisa lang si John at Khalil.
'Di naman niya masisi ang mga ito dahil ganoon din ang reaksyonniya noon.
Napag-isipan na din niyang lumipat ng eskwelahan sa mga nangyaring nagpaalis ng matabil at palangiti niyang labi.
Ayaw niyang gawin iyon dahil maiiwan niya ang mga kaibigan pero kailangan. Maari pa naman niyang dalawin at tawagan ang mga ito. Maraming paraan para magka-usap-usap sila.
"Nakaka-frustrate na talaga! Panira ng lipstick!"
Binuksan niya nag bag at kinuha ang lipstick. Nagsimulangsiyang maglagay niyon sa mga labi. Kailangan niyang ibaling sa iba ang atensyon niya kundi—
"Ouch!" Tiningnan niya ang pinanggalingan ng bola. Natamaan kasi siya niyon.
Nang mapadako ang kanyang paningin mula roon ay nakita niya ang isang nakangising babae. Isa ata ito sa soccer player ng girls team.
Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya.
Maldita! Sinadya nito ang nangyari. Naalala niya ito. Ito iyong hipon na nagtanong dati kay Khalil na girlfriend ba talaga siya ni Khalil. Ito din ang iisang babaeng nang-alipusta kay John sa pagsasabing losser ito.
Masamang tiningnan niya ito at tumayo. Ano bang pipiliin niya ang hilahin ang buhok nito o kalmutin ito sa mukha? Hahakbang na siya ng may humila sa kamay niya. Marahas na binalingan niya ito.
Napatulala na lamang siya kasabay ng pagkabog ng kanyang pusong buhay pa pala.
Kunot-noong tingnan siya ni Khalil o John o... Basta!
"Are you alright?" Sa nakitang pagaalala parang gusto niya ng kalimutan ang nangyari. Pero baliw siya kung gagawin iyon.
"You don't care."
Frustration cross his face pero dagli ding nawala. "Kira... of course I care."
"You do?" sarkastikong wika niya. "Well, sa tingin ko nga din. Kasi hindi mo naman ako lolokohin kung hindi 'di ba?"
"Kira... I'm sorry. I didn't intend to—"
"Khalil! Bakit mo kinakausap iyang stalker mo? Baka mag-assume uli ang feeling-era ng CU. Akala mo kasi kung sinong sikat. Ayan mabuti at nabawasan ang sungay. Masyado kasing mayabang akala niya lahat ng lalaki mapapasakanya. Pero hindi ka naman katulad nila'di ba?"
Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Hindi niya binalak angkinin ang lahat ng lalaki sa CU. Sila lang ang lumalapit. Isa lang ang gusto niyang angkin ang puso at si Khalil... o John, Basta, lang. Pero niloko siya nito.
"Well, ikaw ba ang nagbato ng bola sa kanya? You should say sorry."
"What?!"
"Hindi maganda at mali ang ginawa mo. At 'wag mong sabihan ng ganyan si Kira dahil may karapatan siyang mag-assume dahil katulad nga ako ng mga lalaking sinasabi mo."
Napasinghap siya. Ganoon din ang ibang mga estudyante.
Tumingin ito sa kaya. Dinukot nito sa bulsa ang panyo nito. Pinunasan nito ang kanyang mukha na sa tingin niya ay nalagpasan ng lipstick. Naalala niyang nangyari iyon noon sa jeep. Pero hindi na siya tinatawanan nito kundi pinupunasan ang bibig niya.
Napalunok siya. Huminga ng malalim at pumikit.
Nagi-guilty lang siya Kira 'wag kang tanga!
Sa naisip ay tinabig niya ang kamay nito at muli ay tumakbo paalis doon.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
Romance"My heart only belongs to you. Only you." Marielle was in high school when she met her first Love, Khalil. She thought that she will never have a chance to meet him personally because she's just a simple lady. But the universe made it's own way. She...