Jam POV
"Bye!Good night"
Paalam ko sa mga kaibigan ko, pagkatapos kasi ng klase nagpaalam ako kay mama na didiretso ako sa bahay nila Athena at Ania para gumawa ng projects pero ang totoo medyo nagkatuwaan kami at napainom ng kaunti.
"Ingat ka baby J!" Paalala naman ni Athena
"Habang nasa daan ka mag isip ka na mga reasons na alam mong paniniwalaan ka ni tita" natatawa namang sabi ni Ania.
Kahit kaylan talaga itong magkambal na 'to, mga sira.
"Kung di sya mahahalata" dagdag naman ni Josh
"Ang dami nyong sinasabi, sige una na ako!" Pagpapaalam ko ulit
Di na ako nagpasundo sa Mang Kanor baka kasi makahata isumbong pa nya ako mahirap na. Mas gugustuhin ko pang magkomyut para mahimasmasan na din.
After thirty minutes siguro ng biyahe pauwi, nasimasmasan na ako. 9:34 na din kasi nakasara na yung gate, wala na ding ilaw na naka on.
Dinahan dahan kong buksan yung gate para di makahalata sina mama na dumating na ako, paniguradong sermon ang bumgad sa akin nun.
Nang makapasok ako sa bahay nagdadahan dahan akong naglalakad, feeling ko tuloy magnanakaw na ako sa ginagawa ko.
Mga tatlong hakbang nalang sa hagdan para makatakbo ako papuntang kwarto ko ng biglan
"What do you think your doing Jamicha!?"
Napatigil ako sa paglalakad ng nagsindi lahat ng ilaw sa kabahayan at nilingon ko yung nagsalita.
'Oh NO!!!!'
Anong ginagawa ni lolo Simon dito akala ko ba bukas pa ang dating nya?
"Good evening lo" bati ko
'Pagminamalas ka nga naman!'
"Where have you been?" Tanong nya.
"Kila Athena po" sabi ko tsaka ako mabilis na tumakbo Patungong room ko "good night!!" Tsaka nilock yung pinto
Narinig ko pang tinawag ako ni lolo pero wala ako sa mood mapagalitan ngayon kaya bukas nalang.
Alas sais na nang magising ako, nagmadali na akong gawin yung daily ritual ko tsaka bumaba at pumuntang dinning nang maabutan ko na silang kumakain.
Nahagilap agad ng mata ko si lolo na nakafocus sa kinakain nya, well I need to apologize about last night dahil kung Hindi ko sya pangungunahan, paniguradong ako ang makakarinig ng apology nya dahil sa masasabi nya.
"Good morning" bati ko at naupo sa tabi ni kuya "Lo...hmmm sorry about last night, inaantok lang talaga ako kaya ko kayo tinakbuhan, di na po mauulit" paliwanag ko.
Tumango lang sya at sumubo ng pagkain.
Nagkukulitan kami ni kuya at ni Aljon ng biglang nagsalita si lolo at natigilan kami.