Jam POV
Naglalakad na kami papumtang bahay, katatapos lang kasi namin maglaro ng basketball. Okay lang kila mama at papa na may mga kaibigan akong bi, palagi nga ang paalala na 'kahit daw pagbalik baliktarin ang mundo di daw maaalis sa paningin ng mga tao na babae kami at para sa lalaki kami' ang corny nila no?
Di rin sila nagtagal sa bahay pagkatapos ng miryenda nagpaalam na sila kay mama at papa para umuwi. Hinatid ko naman sila hanggang sa labas ng subdivision.
"Thanks sa pagpunta mga tol" pagpapasalamat ko at nikipag apir pa.
"Na miss ka kasi namin kaya kami na ang gumawa ng paraan para makasama ka" paliwanag ni CM ( Christine Marie Vena, true name nya)
"Masyado ka kasing busy, idagdag mo pa yung magandang lalaki na pinagsasabi nitong di Nath" dagdag naman ni JA (Jovelynne Angel Angeles, true name nya din)
"Nakakahalata na ako sayo Nath, masyado ka ata na aamaze sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob na yun?" Pang aasar ko Kay Nath.
"Nabalitan ko nga may galit ata sayo yun, kasi binalibag ka daw sa pader?" Balik na tanong ni Nath sa akin.
Natahimik ako bigla kasi naalala ko na naman kahapon, may araw ka ding lalaki ka, hindi man ngayon pero soon, makikita mo.
"E may araw din sa akin yung lalaking yun" sagot ko
"Well, aabangan namin yan" nakangiting sabi naman ni VC (Vinesse Celestine Del vara) "kung kailangan mo ng back up nandito lang kami" dagdag nya
"Just one call, told" sabat ni DJ (Daniella Jezandra Marquez)
"Oo na sige na, umuwi na kayo, ang iingay nyo" pagtataboy ko sa kanila pinara ko na yung taxi na papadaan at dun sila sumakay "salamat ulit, ingat mga tol!" Pahabol Kong sigaw nung paalis na yung sasakyan.
Ang swerte ko kasi kahit papaano may mga kaibigan ako tulad nila, kahit may mga topak kung minsan ang saya parin nila kasama.
Naglalakad ako pabalik sa bahay at ng malapit na ako napansin kong may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay, di naman sa amin yun. At dahil na curious ako kaya nagmadali akong pumasok sa bahay para makita kung sino ang bagong dating.
"Jam, may practice pala kayo?" bungad na tanong ni kuya, napabaling naman ako agad sa kanya, nasa sala lang sya at may kasama, at dahil nga sa curious ako kanina pa lumapit ako sa kanya at laking pagsisisi ko dahil sa pagkacurious yung bang sinasabi ng isip mo na sana di nalang ako nacurious dahil ayaw ko sa nakita ko.
Sila Blake Montemayor, Jake Ferrer, Lance Lucena, Nicko William, Marco Guzman, Josh Marcos lang naman at kasama nila yung lalaking pinaglihi ng sama ng loob, di na ako nagtataka kung paano sila nakakapasok? simple lang parang sila yung mga junior nila kuya pagdating sa banda, dating member na kasi si kuya ng RF band at matatawag mo na si kuyang senior.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.
"Sinusundo ka, nakalimutan ko kasing sabihin sayo kahapon" paliwanag ni Blake
"Busy ako, di ako makakapraktis ngayon" pagdadahilan ko, kahit wala naman talaga akong gagawin ngayon.
"Then? Let's go?" singit ni Sebastian at tsaka tumayo sa kinauupuan niya
"Kailangan nating magpraktis ngayon kasi may program sa Monday, and Mr. Hwang told me that we need to prepare a performance na mag eenjoy lahat" sabi ni Lance
Tumingin silang lahat sa akin maliban lang sa isa, yung tingin na nangongonsensya ba.
"Bwisit!! Oo na!!" Sigaw ko at naglakad na paakyat papuntang kwarto ko para makaligo at makapagpalit.
DUMIRETSO kami dito bahay nila Blake para dito magpraktis, andito kami ngayon sa music room nila.
Hawak na nila kung anong instrument nila, ako nakatayo lang at pinapanood sila, si Blake na daw muna ang kakanta.
Nagsimula na silang paingayin yung mga instruments na hawak nila, sa bawat beat ng music ay ineenjoy nila ako naman eto nakaupo lang dito sa sofa at pinapanood sila.
Sa totoo lang matagal ko ng gustong sumali sa kanila ang kaso madami na namang sasabihin yung mga insecure tulad nalang ni Jane kung maalala nyo sya yung babaeng nang away sa akin.
After 45 minutes na patugtog nila tumigil na sila, dumating din si Sebastian at may dala dalang meryenda.
"Thanks bro" sabi ni Blake pagkalapag ng meryenda sa center table na nasa harap namin.
Nagmadali naman yung iba na kumuha ng pagkain nila.
"Uy, bago 'to ah, sinong may gawa?" Tanong ni Josh
"Si manang Susa ba?" Tanong naman ni Nicko
"No, ako may gawa niyan" sagot naman ni Sebastian.
"Wow, ang sarap bro" sabay naman nilang sabi.