Jam POV
Katatapos lang ng klase, so meaning to say uwian na, palabas na ako ng may biglang bumangga sa akin kaya ayun tumama ako sa pintuan
"Haharang harang"
Hinanap ko kung sino ang tumulak sa akin at nakita kong nakatayo si Mr. Sungit sa likod ko.
"Ano ba talaga ang problema mo?!" pasigaw ng tanong ko.
Kung may problema sya sa akin bakit di nalang nya ako kausapin hindi yung bigla bigla nalang nya akong itutulak, di ko naman sya uurungan e.
"Ang pandak mo na nga haharang harang ka pa" pang iinsultong sagot nya
"Huy! Sadyang na sobrahan ka lang sa tangkad ,5'5 na yung height ko" sita ko naman
Hindi porket umabot na sa 6 feet at sumosobra pang tangkad nya sinasabihan na nya akong pandak.
"Kaya nga pandak ka" nakangising sabi nya
"Para sabihin ko sayo Mr. Sebastian Gabriel Montemayor III, HINDI. AKO. PANDAK!"
"Wag na wag mong babanggitin ang buong pangalan ko" may galit sa bawat bigkas nya
"Talaga, Mr. Sebastian Gabriel Montemayor III" pang aasar ko naman
Akala mo di kita kayang patulan? Dyan ka nagkakamali dahil kung ako napuno dahil sa pinaggagawa nyo lalaban at lalaban ako.
"I told you to stop!"
Pagalit na sabi nya, mukhang napipikon na, whahahahahah!!!!!! Pikon talo.
"Mr. Sebastian Gab--"
Blaaaagggg!!!!!
Napatigil ang lahat ng hilain ako ni Sebastian at kinorner sa sulok malapit sa pintuan. Nakaramdam ako ng konting sakit sa batok ko dahil sa lakas ng pagkakatulad nya sa akin sa wall.
Nakatingin lang sya ng diretso sa mata ko, yung tingin na isang galaw ko lang at mamamatay na ako, kaya nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya baka kasi sakaling umiwas pero hindi kasi mas lalong galit ang nakita ko sa mga mata, kaya napangiti nalang ako na syang dahilan nya para suntukin yung pader.
"Gab!" isang boses ang narinig ko mula sa may pintuan, at kung di ako magkakamali si Blake yun "first day mo palang nakikipagbasak ulo kana? At si Jam pa talaga ang napili mo? E paniguradong di ka nyan uurungan" panenermon nya bang hinihila si Sebastian.
Di pa din nagbabago yung reaction ng mukha nya, at kahit hinihila na sya ni Blake para ilayo sa akin ay ayaw. Nakatingin lang sya sa akin at galit na galit.
Mga ilang segundo pa bago ata nya naisipang lumayo sa akin, kaya nakahinga na ako ng maluwag. Well, inaamin ko may naramdaman din ako ng kaba pero konti lang naman.