cHAPTEr 3

509 6 2
                                    

Jam POV

Nandito na ako ngayon sa music room kasama yung mga ugok, pagkatapos kong magpalit kanina dito na kami tumambay at hinihintay si Blake.

"Bakit di mo pinatulan yung Jane na yun?" Tanong ni Josh habang  abala na kinakalikot yung gitara nya.

"Kung pinatulan ko, ako ang talo" sagot ko naman.

"Bakit naman sana?" tanong naman ni Nicko habang nilalaro yung drumstick nya

"Basta, tapos na" naiirita kong sagot sa kanila

Masyado silang madaming tanong, wala akong time para sagutin yung mga tanong nila kasi na iinis pa ako.

Sana lang wag malaman ni mama dahil paniguradong bawas baon na naman pag nagkataon.

Tumayo at naglakad na palabas, tunatanong nila ako kung saan ako pupunta pero di ko na sila pinansin nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

Bubukasan ko na sana yung pinto ng biglang bumukas ito kaya tumama sa mukha ko yung pinto at  bumungad sa akin ang mukha ng isang matangkad na lalaki, mahahalata mong naiinis dahil nakakunot ang noo nya.

"Ano ba!" Sugaw ko dahis sa inis na tumama yung pinto sa mukha ko

"What?" Tanong ng lalaki

"Problema mo?" inis namang tanong ko

Naiinis na ako ,idagdag mo pa itong kaharap kong  akala mo kung sino.

"Saan ka pupunta?"

Taligilan ako ng makita ko si Blake nakatayo sa likuran ng gwapong lalaking 'to.

'Oppss, gwapo ba nasabi ko? Mali suplado pala, bwiseeet!!!!!'

"Bibili lang akong ng pagkain, nagutom kasi ako" pagdadahilan ko, sa totoo lang, pupuntahan ko sina Nathalie.

"Sige balik ka agad"

Tumango nalang ako bilang sagot, bahala na kung maghintay sila sa wala magdadahilan nalang ako ulit.

Naglakad na ako papuntang canteen, nag text kasi si Nath sa akin nasa canteen daw sila.

"Jam!"

Napatigil ako sa paglalakad at hinanap yung kung sino mang tumawag sa akin, tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si  Sir Sarandi ,adviser ko.

"Yes sir?"

"We have a new student he came from Canada so, you're the one who can assist him, pareho kayo ng schedule so wala ng problema doon" paliwanag ni Mr. Sarandi

"Sino po?" tanong ko

"Sebastian Gabriel Montemayor III, Blake's cousin" sagot ni Sir

"Po? Bakit po ako?" Tanong ko , madamI namang pwedeng mag assist sa kanya Bakit ako pa? meron naman si  Blake na pinsan nya , tsaka bakit kailangang igaya payung schedule ko sa schedule nya.

"Kasi ikaw ang bagong president ng students council" sagot ulit ni Sir "at para mabantayan mo na rin, syempre di ko naman sya maipagkakatiwala kay Blake baka kung ano pang maituro ni Blake sa kanya another and dagdag stress ko na naman"

SHE'S MY PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon