Jam POV
Andito na ako ngayon sa library nakaupo at nakatambak sa harapan ko amg akakapal at napakaraming libro.
Two hours pa naman bago magsisimula yung susunod na klase ko, natigilan ako sa pagbabasa ng napansin kong may umupo sa harap ko.
Pag angat ko ng ulo, tinaasan ko agad sila ng kilay ng makita at binalik sa libro ang tingin ko.
"Hi Jamic--"
"Its Jam" pag tatama ko kahit di pa tapes yung sabihin nung long hair, I think, he is Nikko William the drammer of RF band.
"Hi Jam" bati ulit naman ni Jake Ferrer na Guitarist nila.
"Tell me, Anong kailangan niyo?" walang ganang tanong ko at matinginan lang sila na parang magtuturuan kung sinong magasasalita "Wala akong oras sa kalokohan niyo, so live me alone" mahinahon kong sabi.
"Sige mamaya nalang pagdating ni Blake sya nalang magsasabi sa'yo" sabi ni Jake tsaka naglakad na sila palabas ng library.
Kahit kaylan talaga ang hilig nilang mantrip ng kapwa estudyante, di ba nila naisip na maiistorbo ako kung lalapit sila sa akin at wala naman palang importanteng sasabihin.
'Badtrip'
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga aklat sa harapan ko at di ko namalayan yung oras at kailangan ko ng bumalik sa room namin.
Habang naglalakad ako sa corridor napansin kong parang may sumusunod sa akin, napatingin ako sa bintana ng classroom na badadaan ko at di na ako nagkamali.
"Ano ba talagang kailangan nyo?" Tanong ko at humarap sa kanila.
Halata namang nagulat sila dahil pareparehong nanlalaki ang mga mata.
"Wala, naglalakad lang naman kami papuntang room namin" sagot ni Marco
"Papuntang room niyo?" Tanong ko
"Oo" sagot nalang lima
"Bakit kayo dito dumadaan?" tanong ko ulit.
"Bakit bawal ba?" Nicko
"Pagsinabi kong oo kasi di naman dito ang daan papuntang room niyo"
Nagtinginan silang apat dahil sa sinabi ko.
Well, tama naman kasi ako, e sa second floor ang room nila, kaya di na nila kailangang dumaan dito sa corridor ng building namin maliban nalang kung talagang sinusundan nila ako.
"Listen, oo sinusundan ka namin kasi gusto ka naming kuning vocalist kaya please lang pumunta ka sa gymn mamaya para makausap mo ng maayos yung si Blake" sabi ni Lance tsaka nagpatuloy "please lang uulitin ko pumunta ka sa gymn mamayang 3:30 wala ka nang klase that time so don't you dare na maraming reason para di ka makapunta" tsaka tinalikuran ako at umalis na sila.