"I am Prosecutor Savanna Alvarez From Central Prosecution Office"- pakilala ko at naupo."I am Prosecutor Leonard Castillo From Central Prosecution Office"- pakilala din ni Leo at umupo. Tumayo naman ako at kinuha ang mga papel na nasa lamesa at humarap sa mga tao.
"I would like to call witness."
Tila lahat ay tahimik na nakatingin saamin. Halos lahat ng nasa court room ay nakikinig lamang.
"About what you said on the last hearing napadaan ka lang noon sa bahay na iyon hindi ba?"- tanong ko sa lalaking naka upo. Tignan natin kung magsisinungaling ka pa. Napangisi ako ng Tumango siya. Sinungaling. Bakit kailangan pa nilang magsinungaling, kung alam naman nila ang tama bakit hindi nalang sila umamin at tumulong.
"Your Honor, i would like to call another person." Naningkit ang mga mata ng Abogado at Prosecutor na nasa tapat ko. Hindi nila ineexpect na magtatawag pa ako ng isa pang witness. Kinuha ko ang kaso na ito dahil gusto ni Leo.
"Proceed." Agad napatango ito kaya naman humarap ako at sinenyasan yung saksi sa pangyayari. Naupo siya doon sa harap.
"Noong July 5 nang gabi. Nakita mo ba ang lalaking to na dumaan lang?"- tanong ko sa babae na mabilis umiling. Umayos ako ng tayo at tinignan ang lalaki. Naupo ako sa kinauupuan ko kanina at si Leo naman ang tumayo.
"Maaari mo bang isalaysay ang nangyari noon?"- tumango ang babae kay Leo at tumikhim.
"Nagtitinda ako nun. Lagi lang naman akong nasa tindahan dahil ako ang pinagbabantay. Lagi ko silang nakikita doon. Madaling araw o kaya hating gabi. Akala ko nga noon may birthday pero nagtaka na ako dahil halos araw araw silang andon"- sa bawat salita ng babae ay binabasa ko ang papel na hawak ko. Baka sakaling mali siya. Pero tama naman siya sa pagsasalaysay.
"Meron din kaming katibayan na araw araw kayong nagpupunta doon"- pinindot ni Leo yung cellphone niya at nagplay sa may screen yung video na makikita ang date at kung anong oras. Pinouse ni Leo ito ng makitang papasok ang lalaking andito.
"Siya ba to?"- tanong ni Leo sa babae na tumango agad.
Tumingin sakin si Leo at patagong nag thumbs up. Napangiti din ako. Hindi na bago saamin ang ganto, never kaming natalo ni Leo sa mga kasong nahahawakan na namin. Ang firm namin ang pinaka malakas sa buong City halos lahat ay gusto kaming kunin para sa mga kasong hindi kayang ihandle ng iba.
"Woooh! Tapos natapos din!" nag inat inat pa si Leo ng makarating kami sa opisina ko at naupo. Akala mo naman napakahirap ng ginawa niya, it's just a piece of cake for us.
"Ang galing niyo talaga Prosecutor Alvarez!"- nginitian ko lang si Ana ng ilapag niya ang kape sa lamesa namin dito.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsimsim ng kape ng bumukas ang pinto at pumasok ang pinaka head ng Firm namin. Mabilis kaming tumayo ng tuwid at nagbow.
"Magandang umaga po Sir!"- sabay naming sabi ni Leo. Pinagpatuloy ko ang pagsimsim ng kape ko while Ana gave our boss a cup of coffee.
"Congratulations Prosecutors! Maupo kayo"- naupo kami at ngumiti. Bakit nandito siya? Bihira lang magpunta ang Head namin dito. Unless may kaso nanaman kaming hahawakan.
"Don't worry wala kayong hahawakang kaso"- nakangiti niyang sabi kaya napahinga kami ng maluwag ni Leo. Akala ko walang pahinga nanaman eh.
"Si Prosecutor Alvarez lang talaga ang kailangan ko"- natatawang sabi ni Sir napakamot naman ng ulo si Leo at tumawa. Me? Why me? Ano nanamang gagawin ko.
"By the way. Prosecutor Savannah sa Manila ka na naka distilo"- na froze ako ng marinig kong magsalita si Sir. Ha? Sa Manila? Akala ko ba next year pa ang balik ko? Ilang taon na din akong andito sa Iloilo dito na ako gumraduate at pinagpatuloy ang Law.
BINABASA MO ANG
Silent [on-going]
Mystery / ThrillerMagiging tahimik ka na lang ba kahit na madami ng nadadamay?