Tahimik siyang nakatingin saakin ng mapansin niyang nakapasok na ako sa kulungan."Ikaw ba ang pumatay sa Boyfriend mo?" tanong ko sakanya. Pero umiling siya at nagbabadya nanaman ang mga luha sa mga mata niya.
"H-Hindi ko na siya boyfriend." Sagot niya sakin at nag iwas ng tingin, nagulat ako saglit pero agad din 'yong nawala.
"H-indi ko kayang g-ga---gawin yun" Nauutal niyang dagdag hangang sa pumatak na ang luha niya.
"Bumibili lang a---ako. Pagbalik ko andun na siya naka bulagta, Duguan" Paliwanag niya sakin. Tinitigan niya ako sa mata habang nagpapaliwanag siya, she's not lying. Muli akong nagisip kung may nakita ba akong bagong bili na naka plastic sa Apartment niya.
"Inaresto nila akong walang Warrant" lumingon na siya sakin. Napatigil lang ako sandali at luminyon sakanya.
Hindi ko na siya sinagot pa at lumabas na. Maya maya pa ay dumating na ang mga pulis sa District at kinuha na yung babae. Bakit kinuha nila agad? Eh wala nga din silang warrant of arrest this is not right.
"Sandali..." Lahat sila napalingon sakin. Pati sila Sean ay napalingon na.
"Wala kayong warrant kaya hindi niyo pa siya pwedeng dalhin doon" nagkatinginn ang mga pulis na may dala sa babae. Gulat ang ibang napatingin sakin.
"Hindi niyo ba alam na pwede din kayong kasuhan?" Dagdag ko magsasalita pa sana sila ng may dumating.
"Ate...." tawag nung babae sa kulungan, umiiyak na lumapit ito sa babaeng naka posas ang mga kamay. Kapatid niya ba to? Ate niya? Nagulat ako ng malakas niyang sampalin ang babaeng hawak ng mga pulis.
"Mamamatay! Pinatay mo ang kapatid ko!" sigaw niya sa babae. Pinigilan naman siya nila Sean na makalapit muli sa babaeng naka posas. Kapatid niya yung namatay?
"Hindi ako ang may gawa non!" Sigaw niya pabalik habang umiiyak. "Alam niyo kung gano ko kamahal ang kapatid mo. Mahal na mahal ko siya hindi ko kayang gawin yun" paliwanag niya sa Ate nung biktima habang hinahawakan ang kamay pero pilit itinatabig ng babae yung kamay nito.
"Pinatay mo siya para matahimik ka na! Yun ang lagi mong sinasabi! Na kung pwede lang ay patayin mo siya dahil wala na siyang ginawang matino! Gusto mo ng Witness? Ha?! Ipatawag ko pa ba yung mga kaibigan niyo ha?!" sigaw niya na ikinagulat ng lahat.
"Nagkakamali siya. Hindi ako ang pumatay. Kailangan mahanap yung pumatay. Hindi ako yun..."- kakausapin ko sana ito ng dalhin na ng mga Pulis ang babae palabas. Pipigilan ko pa sana ng pigilan nako nila Sean.
Naupo nalang ako sa upuan at hinilot ulo ko. Sa tuwing ganto ang kasong hawak ko sumasakit ang ulo ko. Tch. Babalik na siguro ako sa Crime Scene.
"Babalik na ako doon para maghanap ng ebidensya" paalam ko sakanila at tumayo na. Napalingon naman ako ng nagsitayuan silang tatlo.
"Sasama kami" sabay na sabi nung tatlo. Nailing nalang ako. "Sumunod nalang kayo. Tapusin niyo na muna ang mga ginagawa niyo. May kailangan pa kayong ayusing gulo." sagot ko at tumalikod na. Napa iling naman ako ng maramdamang sumusunod sila. Mga makukulit talaga.
Pumasok na agad ako sa apartment ng babae at sinuot yung gloves. Nakalimutan kong sumilip sa labas. Baka sakaling may CCTV doon na makikita ang dalawa.
Habang busy yung tatlo sa pagkuha ng ebidensya lumabas na muna ako at sinuri ang buong paligid. Walang CCTV sa apartment na to. Wala ring tao nung nangyari ang krimen. Alam na alam na walang tao kaya pinatay? Naglakad muli ako at napatigil ng makitang may CCTV malapit sa apartment. Nagpunta ako doon at nag doorbell sa bahay.
"Magandang tanghali po. Ako si Prosecutor Alvarez. May i ask if that CCTV is working?" ipinakita ko ang ID ko at tsaka nag tanong.
"Ah Oo. Bakit?" Napangiti ako. "Pwede ko ho bang makita ang CCTV Footage kaninang madaling araw? Or can i get the copy?" buti nalang at mabait ang babae kaya pinapasok niya ako at pinakita ang CCTV Footage.
BINABASA MO ANG
Silent [on-going]
Mystery / ThrillerMagiging tahimik ka na lang ba kahit na madami ng nadadamay?