Chapter 6

17 1 0
                                    


Sa kabilang pinto na ako dumaan kung saan talaga lumalabas ang mga Lawyer o kaya naman Prosecutor. Nagulat ako ng bumungad ang mga mukha nung tatlo na seryoso. Problema ng mga to?

"Hindi pa kayo aalis?" tanong ko sakanila habang hawak ang mga gamit at bag ko.

"May trabaho ka pa sa Sekang Pros" napabuga tuloy ako ng hangin ng wala sa oras. Yun lang pala aantayin pa nila ako. Tch.

Tinalikuran ko nalang sila at naglakad na palabas. Napatili ako ng may tumalon at inakbayan ako. "Hoy!" tili ko habang inaalis yung dalawang kamay ni Harold at Adrian. Magkabilaan lang naman yung dalawa. Nakaakbay!

"Ang cool mo talaga Pros!"natutuwang sabi ni Adrian. "Oo na! Alisin niyo na ang kamay niyo!"- sigaw ko sakanila na pilit tinatanggal ang mga kamay nila.

"Vanna ikaw na!" kinurot ni Harold ang ilong ko at tumakbo papunta sa sasakyan nila. "Mga isip bata..." bulong ko habang inaayos ang buhok kong nagulo.

"Pupunta ka pang Trial? Hubadin mo na ang Robe mo mukha kang Manang" hahampasin ko sana si Sean ng tumakbo din siya papunta sa kotse niya. Mga isip bata! Ano bang problema nila sakin. "Aish!" inis kong ginulo ang buhok ko at nagmartsa papunta sa sasakyan ko.

Binuksan ko yung Passengers seat at nilagay doon yung bag ko. Tatangalin ko na sana yung Robe ko ng may tumigil na sasakyan sa likod ko kaya napalingon ako.

"Sa banyo ka maghubad wag dito" nakangising silip ni Sean sa bintana niya. Bago ko pa masipa ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya. Lagot ang mga yun sakin mamaya!

Padabog kong inalis ang Robe ko at hinagis sa backseat umikot na ako at padabog na binuksan yung Driver's seat at naupo doon. Bubuksan ko na sana ang makena ng sasakyan ko ng tumunog ang telepono ko.

Napanood kita kanina ang galing mo...

Basa ko sa text. Bakit ba kailangan pang magtext ng mga ugok na yun? Masyado silang nahihiya sakin. Replayan ko nga to.

Lagot kayo sakin Sean!

Pinatay ko na ang cellphone ko at pinaandar na yung kotse ko.

Nang makarating na ako sa Sekang ay nadatnan ko yung tatlo na hawak hawak ang mga tenga nilang namumula. Matatawa na sana ako ng samaan ako ng tingin ni Sean.

"Bakit?"- i murmured. "This is your fault" mahinang sagot niya ng makalapit na ako sa puting lamesa at naupo sa upuan.

"Pros piningot kami ni Sudalga!" parang batang sumbong ni Adrian na nakuha pang ipakita ang tenga niya.

"Buti nga" bulong ko. Iniwan nanaman siguro nila ang trabaho nila dito.

"Sabi naman kasi sainyo sumaglit lang tayo eh!" parang iiyak na si Harold. Inis niyang ginulo ang buhok niya.

"Si Sean kasi nagpumilit na manood sa Trial ni Pros" gulat na napalingon si Sean kay Adrian at hinagisan ng notebook si Adrian. "Pros oh namamato!" sumbong ni Adrian.

"Mga isip bata" bulong ko ulit napalingon na si Sean saakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binelatan. Mabilis niya namang napitik yung noo ko.

"Aray naman! Ang sama mo talaga!" sigaw ko sakanya at hinampas siya. Malapit lang kasi siya sakin kaya naabot ko siya.

"Magpakain ka para maging mabait ako sayo" utos ni Sean nagpapaka bossy nanaman to. "Hah! Ang kapal din ng mukha mo noh? Tss." tumayo na ako at lumapit sa lamesa ko. Hindi sa sinusunod ko ang utos ng kumag na yun ah. Nagugutom na din kasi ako. Kaya pala ako nahihilo kanina hindi pa pala ako kumakain.

"Oh ikaw ang tumawag" lumapit ako kay Sean at binigay ang cellphone ko.

"Yown magpapakain si Pros. Teka lang ah babalik kami" paalam nila at umalis. San pupunta ang dalawang yun?

Silent [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon