Pagkapasok ng mga bata sinundan ko ng tingin si Sean na nasa kotse at kinukuha yung mga paper bag sa likod ng kotse niya.
"Hey, Can you help me here?"- hindi na ako nagsalita at lumapit na sakanya. Tinitigan ko muna yung mga paper bags at mga kahon?! Ipapabitbit niya yan sakin?!
"Just get those Paper Bags. Tatawag lang ako ng magbubuhat niyang mga kahon"- nakangiting sabi niya at umalis muna.
Pagdating niya may kasama na siyang tatlong lalaki.
"May kasama ka pala Sean eh"- natatawang sabi nung lalaki.
Tumabi na ako habang hawak yung mga paper bags.
"Tara"- nakangiting sabi niya at hinila ako papasok doon sa shelter.
Sinalubong kami ng dalawang babaeng mga nasa thirties at fourties na.
"Maligayang pagbabalik Sean"- nakangiting bati nung madre.
"Natutuwa nanaman ang mga bata dahil dumalaw ka"- nakangiting sabi din nung isang madre. Matagal na bang nagpupunta si Sean dito? Parang pamilya na kasi ang turing sakanya dito.
"Kay gandang babae naman itong kasama mo"- nakangiting lumingon sakin yung isang madre nginitian ko lang din siya pabalik.
"Si Savanna nga po pala----Nobya mo?"- napanganga ako ng magsalita yung isang madre.
"Kaibigan niya lang po ako"- pagtatama ko at tumingin kay Sean.
"Siya ba yung Prosecutor na kasama niyo?"- tanong nung babae na agad ikina tango ni Sean.
"O siya andun yung mga bata. Ikaw na ang bahala sa kanila Sean. Namiss ka ng mga yun"- nakangiting sabi nung madre at tinap sa balikat si Sean.
"Anong ginagawa natin dito?"- tanong ko ng maka alis na yung mga madre.
"Visiting the kids"- maikling sagot niya na ikina irap ko. "Tara andon sila"- turo niya sa may pintuan doon.
Lumabas na kami sa sinasabi niya at nadatnan yung mga batang naka upo sa grass habang may mga hawak na pagkain.
"Hello kids! I bought something!"- nakangiting itinaas ni Sean yung mga hawak niyang paper bags. Mabilis namang nag ingay yung mga bata pero nanatili padin silang naka upo doon. Ang bait nila.
Lumapit kami ni Sean sa mga bata at naupo siya sa harap ng mga to. Inaya niya din akong umupo kaya naupo na din ako. Naka Jeans naman ako comportable akong nakaupo.
"Dala ko yung mga gusto niyo"- nakangiting sabi ni Sean na ikina hiyaw ng mga bata.
Sinimulan niya ng ipamigay yung mga dala niya. Habang ako? Hindi kumikibo. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin sa mga hawak kong paper bag.
Napalingon ako kay Sean ng kunin niya ang mga paper bag na hawak ko. Kinuha niya lang yun at hindi na ako pinansin.
Natutuwa ako sa tuwing tumatawa ang mga batang ito. Parang katulad ko lang din sila. Walang mga magulang. Nag iisa sa buhay. Sana makahanap din sila ng magmamahal sakanila.
"Hey Kids. Anong oras na kasi eh. Dinalaw ko lang kayo. Kailangan na naming umuwi"- tumayo na si Sean kaya napatayo na din ako at inayos yung suot kong puting polo.
Hinatid kami ng mga bata at ng tatlong madre sa labas. Nakakalungkot dahil hindi ko na enjoy. Siguro sa susunod ma eenjoy ko kung kilala ko na sila. Kung may susunod pa.
"Mag ingat kayo iho"- nakangiting sabi ng madre.
"Babalik ka pa Kuya Detective?"- tanong nung batang babae.
"Oo naman"- this is the first time na laging nakangiti si Sean.
BINABASA MO ANG
Silent [on-going]
Mystery / ThrillerMagiging tahimik ka na lang ba kahit na madami ng nadadamay?