Walang gana akong naka sandal sa sasakyan ni Sean habang inaantay silang tatlo. Kinakabahan ako dahil mag didisguise kami para lang makapasok sa building ng sinasabi nilang location ng opisina ng Eco Police Station. Magpapanggap kami na taga ibang station. Pag nalaman nilang sa Sekang kami tiyak na hindi kami papapasukin dahil sa pag kakaalam ko magkalaban ang dalawang station na 'yan.Inayos ko ang suot kong leather jacket. Si Harold ang maiiwan sa loob ng van para magmasid sa laptop, dahil may mga mini survaillance sa mga kasuotan namin. Sa loob ng leather jacket ko may maliit na camera, sinuot ko ang salamin ko na may maliit din na camera sa gilid. Sobrang liit lang non kaya hindi mabilis makita.
Nagsuot ng sobrang itim na contact lense si Sean para mag iba ang mata niya at hindi siya mamukaan. Nag gel din siya at tinaas nang kaunti ang mga buhok niya. Iniba niya ang ayos ng porma niya, nag suot siya ng stripes na polo at tinuck in ito sa pants niya. Kanina pa siya pinagtatawanan ng dalawa dahil sa porma niya at sa itsura niya.
"Para siyang may anak na." Sabi ni Adrian habang tumatawa. Si Harold naman ay tawa din ng tawa. Natatawa nalang din ako sakanila. "Naks old school." Dagdag ni Harold at sabay silang tumawa ni Adrian. Di ko na napigilan ang tawa ko dahil sa mukha ni Sean na naiinis na.
" Wag mokong pagtawanan jan, Adrian baka iwan kita sa loob niyan." Napatigil naman si Adrian sa pagtawa. Pinigilan niya nalang ang tawa niya dahil naiinis na si Sean.
Si Adrian naman ay naka malaking yellow shirt at fit na white pants. Nagsuot ng wig si Adrian, hangang bibig niya na ang buhok niya hindi gaya ng dati na naka army cut siya. Mukha siyang tanga sa buhok niya ngayon.
Naka ripped jeans naman ako, nag suot lang ako ng fitted white plain shirt sa pang itaas ko at pinatungan ko ito ng leather jacket. Kinulot ko ang ibabang buhok ko. Nagsuot ako ng gray na contact lense, naglagay ako ng onting pekas. Buti nalang at marunong ako nito maglagay at mukhang totoo nga. Sabi nga nila bagay sakin ang may pekas dahil maputi ako.
Naglagay ako ng eyeliner sa ilalim ng mata ko, kinapalan ko din ang pulang lipstick ko. Para akong sasayaw sa bar dahil sa sobrang pula ng lipstick ko. Isa akong journalist ngayon, ano pa nga bang magagawa ko ako lang ang nag iisang babae dito, kailangan kong mag panggap muna para maka likom ng impormasyon.
Nang ayos na ang lahat ay sinuot na namin ang peke naming id. Inayos ko ang sarili ko at taas noong naglakad. Mali man tong ginagawa namin pero kailangan.
Nasa gitna nila ako habang nag lalakad kami. Napangiti ako nang mabilis kaming nakapasok, hindi na kami ininspeksyonan oh ano pa. Hiningian lang kami ng id at mabilis na kaming nakapasok sa loob.
Napagpasyahan namin maghiwalay muna at hanapin ang dapat naming hanapin. Bago pa kami makapaglakad pinigilan na kami ni Sean, kunot noo kaming napatingin sakanya.
"Pag may naramdaman kayong kakaiba o kung may mangyari pang masama tuma--- Ha? Nasa loob tayo ng isa sa mga malalaking police station panong may mangyayari?" Pagputol ko sakanya, napatigil naman siya at napa isip. Napairap naman ako at naglakad na.
"Overthinker ka." Pahabol ni Adrian sakanya. Narinig ko pa ang halakhak ni Harold sa earpods na suot namin.
Hindi ako masyadong napapansin ng mga taong naglalakad sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan, this is just a small building. Pero para sa mga tao dito sa lugar na ito, isa 'to sa pinaka malaking police station. Magkaaway ang station nila Sean at station na 'to dahil minamaliit nila ang kakayahan nila Sean or it's just because their building is not that big. Men, it's not about the building, it's about the people who's working.
Malaki nga ang station nila madumi naman sila magtrabaho, Tch.
"Are you done?" Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko. Napakunot ang noo ko ng lingunin ko ang lalaking nagsalita. Ohmygod, hindi kaya nahuli ako?
BINABASA MO ANG
Silent [on-going]
Mystery / ThrillerMagiging tahimik ka na lang ba kahit na madami ng nadadamay?