Chapter 2

25 4 0
                                    


Tahimik naming pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga nag dudrugs.

"Pano nag ka camera jan? Anong ginawa mo Pros?"- tanong ni Adrian sakin. Nagpanggap ako kaninang natapilok para maikabit sa may pintuan yung mini survaillance camera na meron ako, sa mga ganitong sitwasyon tinuruan kami ng head namin kung ano ang dapat gawin.

"Naglagay ako ng mini survaillance camera sa may pintuan nila. Naglagay din ako ng mini audio transmitter." paliwanag ko sakanila habang tinitignan yung screen ng laptop ko.

"Ang cool! Pano ka nag karoon ng mga yun?"- tanong ni Harold. Actually ilan lang naman ang nadala ko nasa Iloilo lahat.

"Ginagamit namin to sa mga gantong kaso para mabilis silang maikulong"- sagot ko. Napatango tango lang sila. Karamihan kasi talaga sa mga ganitong kaso kailangan may malakas kang ebidensya, tho hindi na kailangan dahil mabigat na kaso na ang Drugs.

Napalingon kami ng papunta na dito yung mga pulis kasama yung mga nagdudrugs. Napatingin sakin yung babaeng nagbukas ng pinto kanina.

Teka! Sa pagkakaalam ko Detective ang mga 'to bat sila nagpunta dito? This is not their work. Kulang na ba talaga sila sa tao kaya sila na ang nagpupunta dito? Napalingon kami kay Harold ng may tumawag sakanya.

"May patayan nanaman sa Gem's street"- hingal na sabi ni Harold dahil tumakbo pa siya papunta dito. Bakas sa mga mukha nila ang pagka gulat, ganitong case ang gusto kong isolve mas nabubuhay ang utak ko.

"Lagi nalang doon. Ano bang problema ng killer sa street na yun?"- napailing nalang si Sean sa pinagsasabi niya. Napakunot naman ang noo ko, hindi ko sila maintindihan.

"Tara na"- tumingin sakin si Sean. Inikot ko naman ang paningin ko. Asan si Harold? Akala ko sakanya ako sasabay?

"Nauna na sila" Lumingon ako sakanya, mukhang alam niyang hinahanap ko sila Harold. Nauna na siya sa sasakyan sumunod na lamang ako.

Binuksan ko na yung passengers seat ng sasakyan niya at umupo. Tahimik lang kami hangang sa makarating na kami sa Gem's Street na sinasabi nila. Marami ngang mga tao ang nakapalibot sa kalsada. Mag mga SOCO na rin doon at ibang mga kapulisan. Naglalad na kami papunta dito ng makasalubong namin sila Adrian.

"Oh anong problema?"- tanong ni Sean sakanila na mga naka pamewang.

"Hindi kami pinapapasok sa Crime Scene"- sagot ni Adrian. Kumunot naman ang noo ni Sean.

"Paanong hindi eh tayo ang Detective na naka charge jan!" Halata sa mukha ni Sean ang pagka inis sa sinabi ni Adrian, may kung anong kinausap si Harold sa telepono niya bago sagutin si Sean.

"May nauna eh."- sagot ni Harold. Sinilip ko muna dun at naglakad papunta doon nakasunod naman sakin yung tatlo. Napatigil ako sa paglalakad ng harangin ako ng isang SOCO doon.

"Bawal po ang lumapit sa crime scene"- napairap ako at dinukot ang ID ko sa may pantalon ko. Pinakita ko 'yon sakanila at inintay akong papasukin. 

"Prosecutor Alvarez"- maikling sabi ko kaya inalis niya ang kamay niyang naka harang. Napalingon naman ako sa likod ng harangin nung SOCO sila Harold.

"Kasama ko ang mga Detective na 'yan."

"May iba din pong Detective doon." Sabat pang muli ng lalaking nasa harap ko. "We're just late. Sila din ang naka assign dito." Sagot kong muli. Yumuko nalang yung lalaki at nagpa umanhin.

"Ikaw na talaga Pros!"- napatingin ako kay Adrian. What's with that Pros? Ang sagwa pakinggan. Nakahinga sila ng maluwag dahil nakapasok na sila.

Lumapit kami sa babaeng nakabulagta doon sa kalsada. Kumuha ako ng gloves kay Harold at sinuot ito at hinawakan yung bangkay. Agad akong napalingon kila Sean.

Silent [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon