Chapter 17

2.7K 226 41
                                    

4:10 pm

Edward: May

Edward: Nasa Cafe kaba?

Edward: Kung Oo hindi ako makAkapunta.

Edward: May lakad kasi ako.

Maymay: Hmmm

Maymay: Alam ko.

Edward: How did you know?

Maymay: Nadinig ko usapan niyo nang mga kabarkada mo.

Maymay: Nakasabay ko kayong pumila sa Canteen kanina eh.

Edward: WTF bakit dimo ko kinausap? Sa dami nang mga nakasabay namin sa pila.

Edward: Sino ka dun? Wala kasi akong napansin na nakamaskara.

Maymay: sekreto hahahahaha

Edward: Maymay naman eh

Edward: Seryoso magpakilala kana.

Maymay: hahahahaha sabi nga ni Lola Nidora, makikilala mo ako sa

Maymay: Takdang Panahon.

Maymay: hahahaha

Edward: tsk

Edward: Bahala ka nga.

Maymay: aww nagtatampo ang bebe ko.

Maymay: wag na magtampo bhe.

Maymay: Sige lumingon ka sa kaliwa mo.

Maymay: Ilang hakbang lang ang pagitan natin bebe ko.

Maymay: Ramdam mo kabog ng puso ko?

Edward: Remove your mask please.

Maymay: ayaw ko. Sapat nayong nakikita mo sa ngayon.

Maymay: Lapit ka sa akin.

Maymay: Tas titigan mo ako.

-----------
Edward's POV

After mabasa ang message nito ay humakbang siya palapit sa dalaga. May mask ito kaya mga mata at noo lang nito ang nakikita niya. She's almost as tall as him, morena ang kutis at maganda ang pagkakabagsak nang itim na buhok nito.

Huminto siya nang ilang hakbang nalang ang layo niya dito. Pero ganun nalang ang panlalaki nang mga mata niya nang maglakad ito palapit sa kanya.

Magsasalita sana siya nang bigla itong yumakap sa kanya na ikanasinghap niya. Naaamoy niya ang Vanilla scent na pabango nito at sa di malamang dahilan ay yumakap din ang mga braso niya pabalik dito.

"Mag ingat ka sa pupuntahan niyo nang mga kabarkada mo bebe ko." Mahinang sabi nito na nagpakabog nang dibdib niya. "Alam ko kung ano ang gagawin niyo sa pupuntahan niyo kaya magpakita ka sa akin na buong buo at walang gasgas kahit isa ok?"Sabi nito tsaka ito kumawala sa yakap niya at humakbang paatras.

Her eyes are looking at him intently,at kahit na may mask ito sa mukha tila siya na ingkanto at napatulala nalang dito lalo nat humangin at nililipad ang buhok nito.

"Wag mo kong titigan nang ganyan bhe. Natutunaw ako." Sabi nito in a playful voice.

Tumikhim siya para sana magsalita pero wala siyang maapuhan na sasabihin dito.

"Ed lets go." Dinig niyang tawag sa kanya nang mga kabarkada niya. Lumingon siya sa mga ito at tumango. Pag lingon niya kay Maymay ay nakatalikod na ito. Napatingin siya sa cellphone niya ng tumunog ito.

Maymay: Take a lot of ingat bebe Ko.

Maymay: Tandaan mo, Haylabyou. ❤️

Napangiti siya sa nabasa tsaka ito sinulyapan ng ilang segundo bago sumunod sa mga kabarkada niya.

"Sino yung kaayakap mo?" Agad na tanong ng mga ito na nagpatawa sa kanya.

"Girlfriend ko."

------------####------------
Watching Jurassic world while writing this update hahahaha. Talk about multitasking hahhaha

Isa lang ang masasabi ko. Isang kabute ang miridil. Bigla nalang sumusulpot eh.
Hahahahhaha

Gabriel143

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon