Edward's POV
Nakahiga siya ngayon sa field, hindi siya pumasok sa dalawang subject niya. Kulang kulang kasi siya sa tulog dahil halos alas kwatro na sila nang madaling araw nakauwi ng mga kabarkada niya dahil late na natapos ang karera nila. Yes nagkacar racing silang magbabarkada kaya nga nagulat siya ng malaman iyon ni Maymay.
Speaking of Maymay kanina pa siya nag message dito pero wala itong reply. He admit she really got his attention, napapangiti kasi siya nito. And the chasing game of finding who she really is add the curiosity to know her more, and the cupcakes she makes is a plus. After his mom, Maymay is the next one who make good and delicious cupcakes. Yes cupcake is his favorite pastry. Kaya nga di niya napigilan ang humiling kay Maymay na gawan siya nito dahil nag crave siya sa cupcake na gawa nito.
"Lalim nang iniisip natin bhe ah."
Gulat na napatingin siya sa tabi niya nang biglang may magsalita. Napaupo siya nang makita si Maymay sa gilid niya. Nakasuot parin ito nang maskara at nakatingin sa kanya.
"Hoy ok ka lang bebe ko?" Tanong nito kaya tumango siya.
"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan siya.
"Oo bhe. Hahahahaha tulala ka na naman kasi eh. Pero kiribells lang kasi aliw ka namang titigan. Ang gwapo mo talaga bhe." Sabi nito and it may sound gay pero biglang namula ang mga pisngi niya. Napaiwas siya ng tingin dito dahil nakatitig ito sa kanya.
Silence take over to the both of them, but it was comfortable kaya hindi nadin siya umimik. Nakatingin lang siya sa field kung saan may mga estudyante na naglalakad.
"Bebe ko."
Napalingon siya kay Maymay ng tinawag siya nito, at ganun nalang ang pagsinghap niya ng makita ang buong mukha nito. Tulala siyang napatitig dito habang nakangiti naman ang babae na nakatingin sa field. Napalunok siya nang lumingon ito sa kanya tsaka siya binigyan nang pang asar na ngiti.
"Gulat ka noh?" Nakangisi nitong sabi.
"Marydale Entrata." Mahinang sabi niya na nagpatawa sa babae.
Of course he knows her, eh siya lang naman ang Vice President nang student council nila. Kilala ito sa buong college department dahil sa kaingayan at sa pagiging palaban nito. Idagdag pa ang pagkapanalo nito three times in a row sa posisyon nito bilang besi- presidente.
Actually first year palang naging crush niya ito, ewan ba niya sa dami nang magagandang babae sa campus nila dito talaga siya humanga. Sabi nga ng mg kabarkada niya, Marydale got what the other people say "simpleng ganda, gandang pinay na pinay." But other than that malakas din ang sex appeal nito. Pero wala siyang natatandaan na nanligaw dito dahil narin sa pambabara nito sa mga lalaking nagtatangkang manligaw dito.
"Bhe tunaw na ako."Nakangiti nitong sabi at sa gulat niya ay isinandal nito ang ulo nito sa balikat niya. "Ganito pala ang feeling pag naisandal mo ang ulo mo sa balikat ng lalaking gusto mo. Mag salita ka bhe kwentuhan mo ako habang nakasandal ako sayo." Sabi nito.
Hindi parin siya makaget over sa nangyayari. Literal na ginulat siya nito ngayon. At aaminin niya natutuwa siya sa pagtawag nito nang bebe ko o bhe sa kanya. Kahit baduy pero napapangiti siya.
"Hmpf tagal naman nang kwento bhe. Ako na nga lang." sabi nito. "Siguro nagtataka ka kung paano kita na message sa messenger mo? At kung bakit kita kinukulit diba? We'll una sa lahat ang Nag accept sa akin sa messenger mo ay si Carlo, isa sa mga barkada mo. Hahaha tinakot ko siya kaya wala siyang choice kundi gumawa nang paraan para ma accept ako sa messenger mo. At pangalawa. Ginagawa ko to dahil gusto kita." Sabi nito na nagpagulat sa kanya.
Napakaprangka nito at subrang kaswal lang nang pagsasalita nito na tila ba normal lang ang mga binitiwang salita nito.
"Actually matagal na kitang gusto, pero ewan ko ba hindi mo ako mapansin pansin eh. Tas na busy din ako sa studies at sa pagiging membro nang student council, kaya hindi ako nagkaroon nang chance na magpacute sayo hahahahahaha. Seryoso bhe sana hindi mo ako iblock sa messenger ngayong kilala mo na ako." Sabi nito tsaka ito tumayo sa harap niya. "Aalis na ako dahil may meeting pa akong dadaluhan. Sinadya lang kita dito dahil gusto kong makasiguro na wala kang sugat pagkatapos nang car racing na pinuntahan niya."
Sa gulat niya ay yumuko ito at hinalikan siya sa noo. Nag mag angat siya nang tingin ay ang laki nang ngiti nito. "Sige bhe message kita later, wag mo kung ibablock ha?" She said bago ito naglakad palayo.
Pero naka ilang hakbang palang ito lumingon ulit ito sa kanya. "Nga pala baka makalimutan mo. Akin ka na. Hahahahaha bye bebe ko. Haylabyou." Sabi nito tsaka tumakbo at iwan siyang tulalang nakasunod ang tingin dito.
-------------####-----------
Ilang lata nang bonakid ang na inom nang Miridil? Atapang na babae bhe hhahahahahahaGabriel143
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
FanfictionAnother Mayward Fanfic.I just cant get enough. Read at your own risk. Rank: #28 in teenfiction and #10 in Romcom