Chapter 30

3.1K 215 43
                                    

Maymay's POV

Nasa gym sila ngayon lahat ng SC officers and so is the volunteers including carlo , Edward and his two friends. Kanina pa nila pinag uusapan kung anong theme at anong mga booth ang approve sa lahat, may horror house, coffee shop na dapat ang mga waitress ay naka cosplay na attire, meron ding dedication booth which is a sing along kung saan pipili ka ng kanta at idedicate mo ito sa taong gusto mo o sa kaibigan mo.

And ofcourse ang walang kamatayang wedding booth, photo booth at ang bago ay ang date with your crush booth na ang SC president mismo ang magmamanage para walang aangal, as long as afford mo ang bayad pwede mo maka date ang crush mo with food and all but only for one hour. And to top it all meron din silang mga rides, limang food booth na ihahandle nang HRM students and every night merong mini concert. And the last day we will have a concert kung saan may kakanta ang PNE at sina Yeng at Moira. She don't know how Zach make them approve to sing on our foundation day but whatever nalang.

"Anymore question?" Zach said at dahil walang sumagot ay dinimiss na sila nito. He said we need to eat lunch bago bumalik dito para malaman kung anong booth kami naka assign. For a whole day ay excuse na silang lahat, kaya ok narin.

She was walking with Carlo na daldal nang daldal sa tabi niya halos nasa bukana na sila nang gym nang biglang may tumawag sa kanya.

"Sweetheart." Dinig niyang tawag ulit ni Zach sa kanya na nagpasinghap sa ibang estudyante na nakadinig dito.

Dahan dahan niya itong nilingon pero napatda siya nang makasalabong ang mga mata ni Edward na nakatitig sa kanya. Agad niyang iniiwas ang tingin dito at tumingin kay Zach na Nakangising nakatingin sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

Lumapit ito sa kanya tsaka siya nito hinila at hinalikan ang noo niya na lalong nagpagulat sa mga naroon. Maliban kina Carlo at lahat nang SC members dahil alam nila ang plano nina Zach.

"Let's just eat in the office, I cook some food for the both of us." Malambing na sabi nito habang kitang kita niya ang napakapilyo nitong mga mata.

"Awwww napaka sweet mo naman Mr. President." Sabi nang isang estudyante. "Kayo na po ba ni Vice President?"

Umiwas siya nang tingin kay zach na agad niyang pinagsisihan dahil nakasalubong niya ang matatalim na tingin ni Edward sa kanya.

Ramdam niya ang pag akbay ni Zach sa kanya kaya napabaling siya dito.

"Nope, not yet. Pero nanliligaw ako sa kanya, an Im willing to wait for her yes because she's worth it." Sabi nito kaya palihim na kinurot niya ang lalaki na lalong nagpangiti dito.

Magsasalita sana siya nang bigla siyang samaan nang tingin ni Edward bago ito dumaan Sa mismong gitna nila ni Zach kaya napahiwalay ito sa kanya. Nang nasa harap na niya si Edward ay agad itong tumigil at humarap sa kanya sabay bigkas sa mga salitang nagpagulat sa kanya, lalo na sa mga estudyante na kasama nila.

"Akin ka bebe girl, at mananatiling akin ka. I maybe a Jerk for letting you go but Im facing the consequences right now seeing you with other man. But then again hindi ako papayag na maagaw ka. Tandaan mo ang akin ay akin lang." sabi nito bago nito kinintalan nang halik ang labi niya tsaka ito tumalikod at naunang mag lakad palayo.

Napatingin siya kay Zach at ganun nalang ang pag irap niya nang makita ang ngiti nito kaya tumalikod nadin siya. Pero talagang humirit pa talaga ang kaibigan niya.

"Beshy kung maglalabas ka nang kilig wag sa harap ni bebe boy ha? Ikalma ang Matres at wag sumama sa liwanag. Hahahahaha."

------------####-------------
Huling update for today.. magiging busy po ako today kaya walang ngangarag nang more update.

Gabriel143

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon