Chapter 36

3.2K 221 41
                                    

Maymay's

Foundation day finally, at ito ang unang araw. Kitang kita niya sa mga estudyanteng nalalampasan niya ang tuwa. Kasama niya ngayon si Carlo dahil pinatawag silang dalawa nang Dean, kaya iniwan nilang bantay sa dedication booth si Edward kasama ang dalawang kaklase nitong babae bilang bantay.

Nang makarating sila sa opisina nang Dean ay agad siyang kumatok.

Tok! Tok! Tok!

Nang walang sumagot ay tumingin siya kay Carlo.
"Papasok tayo bes?"tanong niya.

"Hindi bes, labas tayo. Kaya nga tayo kumatok diba dahil lalabas tayo." Pilosopo nitong sabi kaya kinurot niya ito. "Awww beshy sinagot ko lang tanong mo."

"Pinilosopo mo ako Carlito Dimagiba." Sabi niya na nagpasinghap dito. Oa pa nang dating dahil may paghawak natalaga sa bibig.

Ganun nalang ang pagtataka niya nang bigyan siya nito nang kandila. "Mag saulian na tayo nang kandila beshy, how could you voice out my disgusting name? OMG ihetchyou talaga." Drama nito habang natatawa naman siya.

"Im sorry beshy, Wag mo ko pilosopohin kasi. Kung bakit naman kasi may pa screenname kapa na Carlo eh maganda din naman ang Carlito." Natatawa niyang sabi na nagpasimangot dito.

"Hoy Miridil ako ba pinagtatawanan mo? FYI hindi lang artista ang allowed na mag screen name noh? Tsaka saan ang maganda sa Carlito? Jusko kebantot bantot na pangalan. Kung bakit naman kasi yung pangalan pa ni Lolo ang ipinangalan sa akin. May apilido na ngang Dimagiba, sinamahan pa nang pang 70's na namesung. Kaloka."Reklamo nito kaya napatawa siya lalo.

"Are you guys gonna get in or gusto niyong dito tayo sa labas mag usap.?"

Napatingin sila sa nagsalita, the dean is standing infront of them habang naka cross arms.

"Kung saan niyo gusto dean, pwede ding di na tayo mag usap mas ok sa akin yun." Carlo said kaya sinamaan ito nang tingin nang dean. "Pero char lang, hahaha sige pasok na tayo miridil nang masimulan na ang meeting de avance." Sabi nito bago nagpatiuna na sa pagpasok sa opisina.

Hindi na sila naghintay pa na sabihan sila kaya umupo na silang dalawa na ikinailing nang Dean.

"I called you here dahil may sasabihin ako sa inyo."

"Natural dean alangan namang pinatawag mo kami tas wala kang sasabihin." Carlo said.

"Do you want me to continue Mr. Dimagiba?" The dean said kaya tumahimik na silang dalawa. "As what I said I called you guys dahil gusto ko ang booth ninyo ang mag held nang Mr.Gay. Ive seen how you Mr. Dimagiba entertain your fellow students kaya ikaw ang gagawin kung MC. But for now here's the list of the students who will join, I already talk to them and they cant say no to me." She said bago nito ibinigay sa kanila ang isang papel.

Ganun nalang ang tawa nilang dalawa nang makita ang pinakauna at pangalawang pangalan sa listahan.

ZACH TOLENTENO
EDWARD BARBER
CHRIS ROBLEDO
SAM DIGOS
REYNALD OCAMPO
THOR JAFFA
STEVEN DEL RIO

Pito silang sasali at kilala ang pito sa buong campus. Other than zach, reynald and thor is also an SC member habang yung iba kilala naman bilang mga member nang basketball while Edward is known because of his looks and brain. Pero lahat sila Gwapo, LAHAT.

"I will expect a fun night tomorrow ok? Maaasahan ko ba kayo?" The dean said kaya tumango silang dalawa bago nagpa alam na lumabas.

Nang nasa labas na sila ay sabay silang tumawang dalawa kaya pinagtitinginan sila ng ibang estudyante.

"Oh my god beshy, I can't wait to see Zach and Edward tomorrow. I bet ang kasabihan ni bebe boy ay. "Malaki man ang papaya ni Mira, pero Flattops lang ng isang MIRIDIL ENTRATA sapat na.hahahahahaha" He said bago ito tumawa.

------------####------------
Ito na talaga ang last update for today..
Hahahahaha hindi ko po alam kung bakit nagkaganito ang chapter nato..hahahahaha

Vote and comment babies
Gabriel143

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon