Bagong umaga, bagong pag-asa
Panibagong ngiti sa ating mga labi at saya
Kaya huwag tayong magpapadala
Sa mundong ito na puno ng problemaTaas noo at huwag magpapatalo
Sa bawat hamon na binigay ng mundo
Sapagkat kasama natin ang lumikha sa bawat tao
At hindi Niya tayo iiwan sa bawat laban na itoMaging masaya ka sapagkat tayo'y kasama niya
Hindi tayo pinapabayaan sa bawat araw na Kanyang ginagawa
Hindi tayo iniiwan sa bawat tinatahak nating problema
Kaya dapat magpasalamat ka, kasi kasama mo SiyaKaya tama na ang pagiging bata
Subukang lumago at magpakatanda
Sa isip at sa bawat iyong ginagawa
Mag-aral ng mabuti para Sakanya at sayong ama't ina.

BINABASA MO ANG
Ang Tula
Poetry"Ang buhay ay parang isang tula Mayroong dulo at may umpisa" (ctto of the photo in every part)