-01/22/19“Anak! Bumangon ka na sa iyong kama
Ikaw ay gumising na at magsimula
Sapagkat haring araw nariyan na
Anak! Sige na imulat ‘yong mata
At para sa’yo Ako ay kikilos na
Higaan mo ay Aking aayusin pa
Lahat ng bagay Ako ng maghahanda
Kaya anak hindi ka dapat mangamba.”“Anak! Umagahan mo nakahain na
Nilinis Ko ‘yong tinidor at kutsara
Ulam at kanin mo ay tiyak sapat na
At inumin mo ay sobra-sobra pa
Anak! Lahat ng ‘to Aking inihanda
Bago mo pa imulat ang iyong mata
Sapagkat sobrang mahal na mahal kita
At tanggap pa kita kahit huli ka na.”“Anak! Bangon na’t yayakapin na kita
Gising na’t magsimula na sa umpisa
Sikat ng araw harapin nating dal’wa
Dala’y katotohanan , mata’y buksan na
Sapagkat kikilos na tayong sabay pa
Higaan ng ‘yong nakaraan wala na
At kinabukasan mo’y Ako’y kasama
Tiyak iyong pangangamba ay mawawala.”“Anak! Hapunan mo’y Ako’y kasama na
Malinis na iyong mga pagkakasala
Basta’t Sa’kin maniwala ka, sapat na!
Biyaya Kong dala ay umaapaw pa
Anak! Lahat ng ito sayong sayo na
Dahil sa’yo nakatuon Aking mata
Sapagkat anak kita at mahal kita
Tinatanggap kita kahit sino ka pa!”-Alec John Pascua Tangonan

BINABASA MO ANG
Ang Tula
Poetry"Ang buhay ay parang isang tula Mayroong dulo at may umpisa" (ctto of the photo in every part)