"JUSQ"

14 0 0
                                    


Bakit sa'yo pa? Kung pwede naman sa iba

Ewan, tadhana nga naman sadyang kakaiba

Sa'yo pa nagkagusto ang tulad ko sinta

Na dapat hindi ko naman ginawa, di'ba?


Pero anong magagawa ko, isa lang akong tao

Kung saan may utak at simpleng puso

Nagkakamali rin ako, 'yan ang totoo

Pero sasabihin ko sa'yo, ikaw na ang laman nito


Alam kong mali, sobrang mali ako

Pero gagawin ko ang lahat para patunayan 'to

Susundin ko ang bilin ng magulang mo

Hanggang sa dumating ang panahon na magiging tama rin ako


Sa ngayon, ito lang masasabi ko sa'yo

Maghihintay ako hanggang sa magunaw ang mundo

Hanggang sa ang bawat tao ay matanggap ako

At hanggang dito nalang, nagmamahal pedro

-Alec John Pascua Tangonan (09/08/18)

(ctto of photo)

Ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon