Isang gabi sa isang madilim na kalye
Ako'y naglalakad at sa isang tabi
May nakita akong isang malagim na pangyayari
Umuulan noon at sobrang lakas grabe!
Ngunit sakabila ng kalakasan ng pagbuhos ng ulan
Narinig ko ang ungol ng isang babaeng pilit lumalaban
Sa mga kalalakihan na hindi mo mawari kung tao pa ba dahil sakanilang kademonyohan
Sinubukan kong kumilos para siya ay tulungan
Pero huli na ang lahat tapos na siyang pagsamantalahan
Pinilit kong tumakbo papalapit sakaniya
Ngunit nanaig ang takot sa aking damdamin at kaba
Kaya't tuluyan akong napatakbo ng bigla
At ang babae ay tuluyan kong nilisan ng nag-iisa
Ilang minuto pa lamang ng ako'y makarating saming tahanan
Kinakain na naman ako ng aking takot at kabang nararamdaman
Ngunit may pilit na gustong lumabas at sinasabi sakin ng aking mga paa
Kumilos ka at gawin mo kung anong tama
Pilit kong nilabanan ang takot at bumalik na nga
Sa lugar kung saan nangyari ang lahat ng nakita ng aking mata
Ngunit pagdating ko, ni hindi ako makakilos dahil sa dami ng tao
At nagkakagulo at nag sisigawan na ang mga ito
"Isang babae natagpuan nakahandusay at wala ng malay!"
Kahit na pilit itong inaalalayan, wala na itong buhay
Tumulo ng hindi ko namamalayan ang aking luha
Napaupo sa aking kinakatayuan at tuluyang nanghina
Wala akong nagawa, isa akong duwag at isang mahina
Ni hindi ko man lang siya natulungan dahil sa aking takot at kaba
At gabi-gabi ito ang aking naririnig
Isang tinig ng babaeng hinagpis ang dala-dala sakanyang pagkawala.
(ctto of photo)

BINABASA MO ANG
Ang Tula
Poetry"Ang buhay ay parang isang tula Mayroong dulo at may umpisa" (ctto of the photo in every part)