"SANA ALAM MO"

28 1 0
                                    


Kung alam mo lang, kung alam mo lang sana

Kung gaano ako kasaya sa t'wing kausap kita

Tipong ayaw kong ito'y matapos pa

Kasi ayaw kong maputol ang nadarama kong saya


Pero alam ko ang bawat umpisa ay may hangganan

Tanong lang, ako ba'y iyong sasamahan?

Hanngang sa dulo ng ating walang hanggan

Kasi ang mundo ko, ikaw lang ang siyang tanging laman


At alam kong napakabilis ng bawat pangyayari

Pero sasabihin ko lang sa'yo, teka muna sandali

Hindi kita pinipilit pero ikaw ang aking pinili

Na makasama ko sa hirap at saya, o sa umaga man o gabi


Kaya sana, alam mong gusto kita talaga

Natatawa nga ako, mahal na yata kita

Alam kong isip mo'y naguguluhan na

Ako rin naman, sapagkat ikaw lang ang tumatakbo sa isip ko sinta


At alam kong 'di porket nagtapat na ako

Ay siya rin naman ang nararamdaman mo

Alam kong hindi ka pa handa sa mga ganito

Pero sasabihin ko lang sa'yo, maghihintay ako


Oo, maghihintay ako hanggang sa tama na ang lahat

Hanggang sa'ting dalawa'y wala ng aawat

Hanggang sa mapunan natin ang bawat agwat

At ng storya nating dalawa'y magkaroon na ng pamagat.

-Alec John Pascua Tangonan (09/14/18)

(ctto of photo)

Ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon