Chapter 2

116 6 0
                                    

Jane's POV

Dear Crush ko na si Ivan Johnson,

4 years na akong may gusto sayo ...

4 years na akong gumagawa ng Love Letters para sayo

4 years ko na  tinatago sa buong mundo nararamdaman ko sayo

4 years na kita sinusundan

4 years na kita tinitignan

4 years na classmate lang ang turin mo sa akin

Bakit ganun crush,

Manhid ka ba?

Bakit kasi hanggang sa crush na lang nga?

Marami na akong  love letters

para sayo

Sa tingin ko 1st time ko lang ito ibibigay sayo

Sa oras na mabasa mo ito

sa wakas nasabi ko na sayo ang nararadaman ko, hindi lang nga sa personal.

yun lang muna ah

Love,

Jane

Ps: eto pala number ko

09*********

txt mo ako kapag gusto mo ako kausapin ah mahiyain kasi ako kaya hindi ako makalapit sayo.

At nilagay ko na ito sa envelope.

Ngayong ang problema na lang kung paano ko ito maiibigay.

Sabi ni Ate, ibigay ko daw ito sa bag ni Ivan.Gusto ko sana sa locker niya pero sabi ni Ate sa bag talaga niya para pagdating sa bahay mabasa niya ito.

Sabi ni Lucy, nakita niya daw naka-black na Jansport na bag si Ivan.

Oo nga pala, alam niyo ba kung nasaan ako ngayon?

Nasa Boys locker ako ngayon(__ __")

Naghahanap sa bag ni Ivan.

Medyo naguluhan ba kayo?

Actually nasa Black section ako,ibig sabihin kung sino naging classmate mo nun 1st year sila na din magiging Classmate mo hanggang sa matapos kayo ng highschool.

Classmate ko na si Ivan since 1st year at hanggang ngayon classmate ko pa rin siya. swerte ko di ba?

First Subject namin ngayon ay P.E.

May sapak na kung sino gunawa ng schedule namin.Unang araw pa lang P.E. Agad -___-

Sa wakas nahanap ko na bag niya at ang gagawin ko na lang ilagay ko ito sa bag niya at ...

"Hello is somebody here?"

PATAY!!! MAY TAO!!!!

"Jane Monette? ikaw ba yan? " tinignan ko kung sino yun nagsalita si Ivan?!!!

"Ivan Johnson?!"

O___O

"Naligaw ka yata Jane, nasa kabila locker niyo"

"Naligaw?  Ay oo, naligaw nga ako salamat sinabi mo ah sige punta na ako doon"

at taranta na ako pumunta sa labas ng locker room .

Nakahinga na ako ng malalim ng maka-alis ako sa boys locker.

Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na NAKA-USAP KO PALA SI Ivan!!!!

At hindi lang yun nalagay ko na yun love letter ko para sa bag niya,Sa wakas nakabigay din ako ng love letter after 4 years kong pagsusulat . Ang saya ko Sobra ^____^

Danile's POV

Hay... sa wakas naka-uwi din ako.

"Mom, Nandito na ako"

"Nile"

tawag sa akin ni Mama.

"Bakit po?"

"Alam mo ba kung gaano kaming nahihirapan kumuha ng Yaya mo?"

Huh? Ano ba ginawa ko?

"Kuya ano ka ba? yaya ko na nagligpit ng kalat mo sa kwarto yun si Ate Judie daw may nakita daw Tarantulla at ayun na-hospital pa siya"

sabi ni Monica.

"Nile, sa oras na hindi ka makahanap ng yaya mo lalayas ka dito sa bahay de oras!!!!!" sigaw sa akin.

Tapos naglakad ako papunta sa kwarto...

Sorry sa yaya ni Monica, hindi ko yon ginusto :(

Binaba ko bag ko sa kama at nagbihis ako ng pang-tulog at binuksan ang phone ko.

From: Ivan

Pare, Nandito kami sa Himero's Restaurant ngayon ni Babe.Sabi niya invite daw kita para makalibre ka ng pagkain kasi alam ko na hindi ka kakain kasi pinagalitan ka nanaman ni Tita Helena sa kalat mo.

Hahaha, paano kaya niya nalaman? hindi ko naman sinabi sa kanya,Bestfriend ko kasi yan eh.

To: Ivan

Salamat pare, pero 'wag na enjoying niyo na lang moment niyo dalawa.

Sa totoo lang naiingit ako kay Ivan at sa iba ko pang tropa na meron na mga Girlfriend.

Wala ako magawa,mabuksan ko na lang bag ko.Pagkabukas ko sa bag ko meron pink na envelope na may heart na sticker.Ano 'to?!!!

Property of Iloveocimichie ©copyright 2014

The Mistaken Love Letter(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon