Prologue

138K 1.6K 40
                                    

ALAS SINGKO na ng umaga. Hindi na kailangan pa ni Draco Faustino na tumingin sa orasan dahil tila naka-programa na ang katawan niya na bumangon at magbihis kapag ganoong oras. Palibhasa ay halos anim na taon nang ganoon ang kaniyang lifestyle.

Bumangon siya mula sa kama, kinuha ang mga hinubad na damit na nakasampay sa silya at nagtungo sa banyo para maligo at magbihis. Wala siyang dalang pang shave kaya hinayaan na lamang niya ang stubbles na tumubo sa kaniyang mga panga at baba. Nagpupunas pa siya ng buhok nang lumabas siya ng banyo.

"Gusto kitang alukin na manatili pa ng matagal pero alam kong tatanggi ka na naman."

Natigilan si Draco at napatingin sa kama. "Camille. Hindi mo kailangan gumising ng maaga. Go back to sleep," sabi niya sa babaeng nakaupo pasandal sa headboard.

Katulad nang iwan niya ito kanina roon na natutulog pa ay wala pa ring saplot sa katawan ang babae. Ni hindi nito inabalang takpan ng kumot ang kahubdan at humithit buga lamang sa sigarilyong nakaipit sa mga daliri nito habang nakatingin sa kaniya.

"Hanggang kailan mo ipagpapatuloy ang ganiyang lifestyle, Draco? Kung hindi ka sa akin nagpapalipas ng gabi ay sa kung sino-sinong babae. Just because you hate going home," sabi ni Camille.

Lumapit siya sa babae at umupo sa tabi nito. Pinaraan niya ang mga daliri sa balikat ni Camille kung nasaan ang tribal tattoo na siya mismo ang naglagay rito. "You talk as if you don't enjoy my company," usal ni Draco.

Sumilay ang kuntentong ngiti sa mga labi ni Camille at bahagya pang napapikit nang bumaba ang haplos niya sa collarbone nito at pababa pa sa ibabaw ng mga dibdib. "Oh, you know I do. At sigurado akong ganoon din ang mga babae sa buhay mo. Pero alam ko rin na bumabalik ka lang sa akin sa tuwing tinatapos mo ang relasyon mo sa kung sinong babae. At iyon ay nangyayari kapag humihingi na sila ng higit pa sa gabing kaya mong ibigay sa kanila. Alam ko rin na bumabalik ka lang sa akin dahil kailangan mo ng matutulugan sa gabi."

Umangat ang gilid ng mga labi ni Draco. "Pero palagi mo naman akong tinatanggap, hindi ba?"

Dumilat si Camille at sinalubong ng tingin ang kaniyang mga mata. "Dahil pakiramdam ko responsibilidad kita. I am your first lover, after all. At ako ang nagturo sa iyo nang halos lahat ng bagay na alam mo. Ako rin ang nagturo sa iyo kung paano mag-tattoo hindi ba? At ang modeling gigs mo, ako rin ang nagbigay sa iyo ng contacts. I influenced your life. Pagpipinta lang ang hindi mo sa akin nakuha. Pero noong kolehiyo ka pa huling nagpinta hindi ba? So it doesn't count."

Tumango si Draco at hinalikan ang pisngi ng babae bago bumulong sa tainga nito. "Alam ko. But I'm so much better than you now. Sa sex, tattoo at modeling." Natawa si Camille. Lumayo na siya sa babae at tumayo. "I need to go."

"Draco. Seryoso ako. Tigilan mo na ang pagtalon-talon sa bahay ng kung sino-sinong babae. Hindi ka na rin puwede magpunta sa akin," sabi ni Camille sa seryoso nang tinig.

"Why?" kunot noong baling niya rito.

Ngumiti ang babae. "Dahil pupunta na ako sa States. Titira na ako doon for good. Kasama ang mga magulang ko. Magtatrabaho ako doon at baka humanap na rin doon ng mapapangasawa. Basta. Ang punto ay aayusin ko na ang buhay ko. You should do the same."

Hindi nakakibo si Draco. Nabigla siya sa sinabi ni Camille pero hindi niya iyon pinahalata. Kilala na niya ang babae disisais anyos pa lamang siya. Tatlong taon ang tanda nito sa kaniya. Sampung taon na silang magkakilala. Mula pa noon ay isang liberated at free-spirited na babae si Camille. Ginagawa nito ang maibigan at walang pakielam sa sinasabi ng iba. Hindi sumagi sa isip ni Draco kahit kailan na iniisip din nito ang tungkol sa "pag-ayos ng buhay" at pag-aasawa.

Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon