Part 39

37.6K 761 22
                                    


"AKALA ko noon, sa mga lalaking iyon, isa si Draco sa huling magkakaroon ng girlfriend. Hindi kasi ngumingiti at hindi masalita. Pero hindi mo rin talaga masasabi 'no? Kasi nandito ka ngayon."

Napangiti si Janine sa sinabing iyon ni Cherry, fiancée ni Jay, habang inaabot nito sa kaniya ang isang maliit na balde ng hinalong semento. "Hindi ba talaga siya masalita? Madaldal naman siya kapag kaming dalawa ang nag-uusap," aniya at inabot ang balde kay Jane, na fiancée naman ni Charlie.

Ngumiti si Jane pagkaabot sa balde. "Iba lang siguro talaga siya kapag ikaw ang kaharap. Si Charlie din, suplado sa iba pero sa akin hindi."

"At hindi ba mas fulfilling ang ganoon? Kapag ang lalaking mahal mo ay binibigyan ka ng special attention? Ganoon sa akin si Rob. Although mabait din siya sa mga miyembro ng Wildflowers pero parang kuya naman ang turing nila sa kaniya kaya hindi ako nagseselos," sabi naman ni Daisy na inabot naman ang balde mula kay Jane.

Si Rob at Daisy ang pareha na talagang ikinabigla ni Janine na kakilala pala ni Draco. Halos isang taon na ang nakararaan ay napanood pa niya ang kasal ng mag-asawa sa telebisyon. Besides, taga-hanga siya ng bandang Wildflowers mula pa noon kaya kilala niya si Rob Mitchell.

"Tama si Daisy. Mas masarap sa pakiramdam kung sa iyo lang ngumingiti ang lalaking mahal mo. Si Ross masyadong malambing kahit kanino. Alam ko na mahal niya ako pero minsan naiinis ako kapag nakikita ko siya makitungo sa ibang babae. Alam ko kasi na ma-i-inlove sila sa kaniya," naiiling na sabi naman ni Bianca, kasintahan ni Ross, bago ibinigay ang balde ng semento na pinagpasa-pasahan nila sa isang lalaking gagamit naman niyon para sa ginagawang pader ng isang bahay.

"And Jay is too flirty kahit hindi niya sadya. But God, I love that guy," sabi naman ni Cherry.

Napangiti si Janine. Masaya kasama ang apat na babae. Taga-abot lang kasi ng mga kung anu-ano ang mga babae at ang mga lalaki ang aktuwal na gumagawa ng mga bahay kaya hindi nila kasama. Nalaman niya na sa dami ng residente ng Bachelor's Pad ay anim pa lang daw ang may karelasyon kung isasama daw sila ni Draco. Wala lang si Jesilyn doon dahil bagong panganak. Mula noong nagkaroon siya ng phobia ay palaging si Almira o kaya ay si Krey lang ang nakakasama ni Janine at narealize niya na na-miss din niyang maging bahagi ng isang grupo. At hindi mahirap makasundo ang apat na babae. Magaling pumili ang mga kaibigan ni Draco.

Dahil nagdadaldalan sila habang nagtatrabaho ay mabilis na lumipas ang oras. Nagulat pa si Janine nang may mag-anunsyo na break time at itinuro ang isang mahabang lamesa kung saan may mga pagkain at inumin. Nagsipaghugas muna sila ng mga kamay bago lumapit sa lamesa. Maya-maya pa ay lumapit na rin doon si Draco at ang mga kaibigan nito.

Agad na lumapit sa kaniya ang binata na humahakab na ang suot na t-shirt dahil sa pawis at tubig na nakita niya kaninang pinanghugas nito ng mga braso at pinanghilamos. Draco was so wet yet still so... gorgeous. At mukhang hindi lang siya ang nakapansin niyon dahil habang naglalakad ito palapit sa kaniya ay may babaeng lumapit para abutan ito ng tuwalya na mukhang tinanggihan nito. At ilang beses pa iyong nangyari. Ilang pulgada na lang ang layo sa kaniya ni Draco ay bakas na ang iritasyon sa mukha nito. Pero may naglakas loob pa ring lumapit at inalok ang binata ng pamaypay naman. Pabuntong hininga at tila napipilitang tinanggap iyon ni Draco.

"Hey," bati nito nang sa wakas ay huminto sa mismong harapan niya.

Napakurap si Janine at noon lang napagtanto na pigil pala niya ang kaniyang paghinga habang nakatitig kay Draco. Ipinilig niya ang ulo at nang mapansin na naman na basa ang mukha at mga braso ng binata ay kusang umangat ang kamay niyang may hawak na towel na ginamit niya kani-kanina lang at pinunasan ang mukha nito. Marami siyang dalang towel para sa kanila dahil alam niyang pagpapawisan sila ng husto sa event na iyon. "Magpunas ka at basang-basa ka," sabi ni Janine habang pinupunasan ang gilid ng mukha nito pababa sa leeg. Bumaba na sa braso nito ang atensiyon niya nang mapagtantong hindi kumikibo at lalong hindi tumitinag si Draco sa kinatatayuan. Natigilan si Janine at napatingala sa mukha nito.

Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon