CHAPTER 11

1 0 0
                                    


HABANG pauwi kami, tumawag 'yong mama ko at nagtanong kung 'asan ako. Sinabi ko naman kung 'asan ako sinabi ko na pauwi na kami.

 Nagsabi 'yongng mama ko na pumunta muna kami sa bahay, kaya 'ayon pumunta kami sa bahay namin sa Cartago.

Mga 2 days na 'ko sa amin, nagyayaan kami ng mga kaibigan ko na mag-inoman kami sa bahay, kaya nong gabi nag inoman nga kami. Pagkatapos ay pumunta ako sa likod ng bahay namin at umiyak ako dahil din siguro sa sakit na nararamdaman ko kaya sinundan ako ng mga kaibigan ko at tinatanong kung anong problema. 


Hindi ko sila sinagot, iyak lang ako ng iyak. Nang pinasok na nila ako sa bahay nagpaalam na din sila na umuwi, 

maya-maya nagtext si Jay sa akin. 

 J: Ano gawa mo Shane? 

 S: Ito nakahiga kakatapos lang uminom. Ikaw ano gawa mo? 

 J: Uminom ka na naman. ito nakahiga din. 

 S: Oo kasama ko mga kaibigan ko.

 J: Nag-iiba ka na naman Shane. Prangkahin mo nga ako kung anong problema mo. 

 S: Gusto mo na prangkahin kita Jay, ok sige. May feelings na ako sayo sinubukan kong pigilan dahil may gf ka, at ilang beses ko ng sinabi na 'wag na shane tama na may mahal na sya. Pero wala eh ayaw mawala n'ong feelings ko para sa'yo. Sorry Jay kung nahulog ako sa'yo. Sorry hndi ko sinasadya.

 J: Ok lang Shane wala kang kasalanan, hindi ka naman siguro magkakaganyan kung sinagot ko kaagad 'yong tanong mo sa akin nong una kung may gf ako. Sorry ha. 

 S: Hay sige na. Tulog na 'ko gabi na good night sayo. 

J: Sige good night din sa'yo. Mga ilang araw nalang din birthday ko na kaya nagpaalam ako kay mama na sa 30 don ako matutulog sa San Jose, dahil gusto ko pagdating ng b-day ko sa April 2 gigising ako sa umaga na nasa lugar ako kung saan ako pinanganak at lumaki. Pero n'ong 31 ng umaga, nagtext si Jay.   

"I'm Yours, but You're not Mine"Where stories live. Discover now