Chapter 16: Baby

3 0 1
                                    

" You could break my heart in two,but when it heals it will only beat for you"
- Anonymous-

*******************#**************

Keen's POV

Nagising ako sa malakas na katok na narinig ko galing  sa labas ng kwarto. Wala namang  pasok ah,ba't ang aga naman para bumangon?

"Keen anak! May bisita ka sa baba!" Sambit ni mama sa labas habang ako naman nakasobsub pa ang mukha sa unan.

"Sino ba yan at ang aga?" Tanong ko sa sarili at bumalik nalamang sa pagtulog.

"Shantelle Keen Alvarez sabing  may bisita ka sa baba!" Galit na sigaw ni mama habang tamad ko siyang pinagbuksan.

Humikab ako habang hinahawakan ang door knob. " sino po ba kasi yan ma?ang aga-aga pa at wala namang  pasok ah!" Pagmamaktol ko habang kinakamot ang ulo.

"Boyfriend mo raw siya" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mama. Wait, kailan pa ako nagkajowa?
"Naku bata  ka! Ba't di mo sinabi na may boyfriend ka na ha?! Ilang araw mo ba itatago sa amin ang lalaking iyon?! Kung hindi  siya nagpunta rito,eh Hindi ko malalaman !"

"Mamc! Wala akong  boyfriend okay!" Paliwanag ko.

"Kung wala,eh sino yung  lalaki sa baba?Pamilyar siya sa'kin "

Love Behind The Notebook (On Going)Where stories live. Discover now