"Dreams are only dreams until you decide to make it real"
-Harry Styles-
******************************Christian's POV
Matapos yung nangyari sa likod ng school building di agad ako umuwi ng bahay at agad tinawagan ang barkada. Nagkita-kita kaming tatlo sa isang mahahaling bar dito sa Manila. Mga 300 km lang ang layo nito sa school na pagmamay-ari ko. Para sa'kin malapit lang dahil sa bilis kong magpatakbo. Halos lahat ng kaibigan ko ayaw nang sumakay sa'kin dahil mamamatay sila sa di oras sa pagmamameho ko.
Nasa labas na ako ng bar at yun din ang pagdating nina Jehu, Theo at Reign. Magkaedad lang kami ng tatlong to kaso mas napauna sila sa'kin ng isang taon sa high school dahil nabagsak ako nung grade 10. Pareho kami ng academy na pinapasukan habang Grade 12 at gagraduate na sila at ako maghihintay pa ng isang taon kung papalarin.
Simula elementary days magkakaibigan na kami dahil na rin sa pamilya namin. Yung parents nila ay ka sosyo nina mommy at daddy sa negosyo. Silang tatlo lang naman ang napagsasabihan ko ng mga problema lalo na sa babae. Siguro alam na nila kung bakit kami nandito ngayon sa maingay na lugar na ito.
"Par musta! " bati ni ng tatlo sakin at isa-isang tinapik yung balikat ko.
Di ako umimik hanggang pagpasok namin. Nagpareserve na kami ng table at nag-order na ng maiinom. Yung tatlo kong kasama wine lang ang nirequest habang whisky and brandy naman ung akin. I'm not a heavy drinker pero gusto ko munang mawala lahat ng iniisip ko ngayon. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob sa pamamagitan ng paglasing
Nanlaki ang mga mata ng tatlo dahil sa inaasal ko ngayon. "Par! Hinay-hinay lang at baka malasing ka!" Paalala ni Jehu sa'kin na binalewala ko lang.
"Oo nga par!" Tinapik ni Theo yung likod ko. "Tama si Jehu!baka ano pang mangyari sa'yo pag nalasing ka!"
Patuloy pa rin ako sa pag-inom at di inantala ang mga kaibigan sa harapan ko. " Christian Diaz Buenavista! May problema ka ba ha?" Ayun na kuha rin ni Reign kung bakit ako nagkakaganito.
"Ha!" Sagot ko habang sarkastikong ngumiti.
"Tignan mo itong taong toh! Kakausapin lang tayo kapag may problema !" Ani ni Jehu na napalingo-lingo dahil sa'kin
"Tama na nga yan Jehu!ang mabuti pa tulungan nalang natin ang kaibigan nating magmove on! " pagpigil ni Theo sa kanya habang si Reign naman nakatitig lang sa akin na umiinom. Parang binabasa niya kung anong meron at ganito ako maglasing ngayon.
YOU ARE READING
Love Behind The Notebook (On Going)
General FictionShantelle Keen Alvarez is a simple lady from one of of the province In Luzon which is Calayan.They moved to the city when her father passed away because of Lung Cancer. Bullied when she's in middle school and forced her to take a scholarship on one...