Papalubog na ang araw ngunit nandito pa rin kaming dalawa ni Christian sa school's ground nagwawalis ng mga dahon. Halos ako lang naman ang kumikilos buong oras dahil ang pusong batong hari ay utos nang utos.
"Telle ayon pa walisin mo!" Di ko na mabilang kung pang-ilang utos na niya ito. Kanina pa siya nakaupo sa may bench sa gilid habang ako halos maligo na sa pawis. "Pagkatapos niyan pulutin mo yung mga plastic bottles" sabay turo sa mga botelya na nakakalat sa daan.
"First of all hindi lang ako ang nagkasala dito. Second, estudyante ako Hindi kasambahay! Nag-aaral ako para maiunlad ko ang pamilya sa hirap hindi para maging alipin mo!" Ani ko. Gusto ko nang sumabog sa galit ngunit kailangan kong kontrolin ang sarili para iwas gulo. Kung nandito lang sana si Nathalia di ako mahihirapan ng ganito.
Nilingon ko siya na ngayon ay walang kaimik-imik. Akala ko'y tapos na siya ngunit Hindi pa pala. "About earlier, I didn't mean to shout at you..." Sinamaan ko siya ng tingin dahil bumalik ang alaala ko kanina. "Ayaw ko lang kasing may nakakakitang ibang tao na tumutugtog ako"
Bigla na lamang nawala ang galit ko dahil sa narinig. "Bakit naman?"
"Tingin ko mahina na ako if ever someone will know my talent"
"Totoo ba ang narinig ko? Ayaw mong may makakadiskobre sa talento mo?"
"Kailangan ko pa bang ulitin?"
"Hmmm" Nasiyahan ako sa pag-uusap naming dalawa. Papadilim na at tapos na rin kaming maglinis sa lugar. Napagpasyahan na naming umuwi sa kanya-kanyang tirahan.
YOU ARE READING
Love Behind The Notebook (On Going)
قصص عامةShantelle Keen Alvarez is a simple lady from one of of the province In Luzon which is Calayan.They moved to the city when her father passed away because of Lung Cancer. Bullied when she's in middle school and forced her to take a scholarship on one...