Chapter 2

4K 199 12
                                    

PSALM ALCANTARA

ALAS-TRES ng madaling araw ay nagising ako dahil sa isang panaginip na parang totoo. Bumango ako mula sa aking kama, at saka lumabas ng aking kwarto. Diretso sa kusina, at uminom ng tubig.

Minuwestra ko ang silya sa harap ng mesa, at saka ako naupo doon. Napapa-lalim ang pag-iisip ko dahil sa panaginip kong iyon. Subalit pinilit kong kalimutan, at bumalik nalang ulit sa aking kwarto.

Suddenly my phone is rang. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, at kumunot nalang aking noo dahil ang lalaking kahalikan ko kagabi at naging dahilan ng pagising ko ay si Wilson ang tumatawag.

Huling kita na 'yon namin. Ano naman kaya ang kailangan niya sa ganitong oras?

Naka-ilang miss calls siya, at ang sumunod na tawag nito ay sinagot ko na.

"Wilson, sinabi ko naman sa'yo na, diba? Please? Tama na—"

Natigilan lang ako nang iba ang nagsalita.

"Si Miyumi 'to," napa-lunok agad ako sa takot dahil sa sinabi ko. "Pwede pumunta ka dito sa Kang Hospital? Hinahanap ka niya." Napakagat labi akong nanlalambot ang mga tuhod.

"B-bakit ako?"

"I'm sorry Psalm for disturbing you. Pwede ka bang pumunta dito?"

I deeply breath. Na gui-guilty ako. Alam na ba ni Miyumi? Kahit hindi niya alam, ay narinig niya ang sinabi ko kanila lang.

Kailangan ko ba pumunta? Anong nangyari sa kanya, at bakit siya na ospital?

"Okay. Pero mamaya na, madaling araw palang kasi,"

I heard Miyumi deeply sighed.

"Sige, sasabihin ko sa kanya,"

Nang wala na akong sasabihin, ay doon na ako nagtanong.

"Are you okay?" Kinakabahan kong tanong.

"I need to be okay even i'm not Psalm. Well, see you later."

Napa-hawak nalang ako sa aking dibdib dahil sa subrang kaba. Bumalik ako sa pagkakahiga, at pinilit matulog ngumit inabot nalang ng alas-cinso, ay saka pa ako inantok.

Alas-otso na ako nagising, at dumiretso na akong maligo, magbihis, magligpit ng mga gamit, at saka umalis. Hindi ko na inabala ang agaham dahil sanay na akong walang almusal.

Imbes sa kompaya ang diretso, ay inuna ko talaga si Wilson. Alam kung andun parin si Miyumi.

"Nurse? Wilson Sandoval?"

Agad kong tanong sa nurse station.

"Nasa VIP suite po siya ma'am, nasa 2nd floor po... sa dulo."

"Thank you!"

Nagmamadaling tinungo ang sinabing kwarto. Hindi pa naman ako kumatok ay bumukas na ang pintuan.

"Psalm, you're here! Come in,"

Si Beatrice Kang Sandoval. Ang nakaka-batang kapatid ni Wilson na sa america nag s-stay dahil may negosyo din sila doon.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang ganti ko. Alam niya rin ang tungkol sa amin noon ng kapatid nito. Hinanap ng paningin ko si Miyumi ngunit wala siya sa apat na sulok ng kwarto.

"Si Miyumi?" I ask Beatrice.

"Nasa cafeteria, may binili lang. Nga pala, dahil nandito ka na ako naman ang aalis. May meeting ako kay Isabela ngayon," niyakap niya ako sabay halik sa pisngi. "See you later kunh nandito ka pa. Mayamaya gigising na rin siya. Alis na ako, pakisabi nalang kay Miyumi."

Psalm Alcantara: Ruling The Desiring LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon