“Hi Belle.”
iyan ang bati ni James sa akin minsang nagkasabay kaming naglalakad papunta ng simbahan.
Ngumiti lang ako at hindi na siya gaanong pinansin habang naglalakad kami.
“Kaibigan ko si Eli, yung kasama mo palagi na nagpupunta ng simbahan.”
“ahhh, sensya na hindi kita kilala”
“Ok lang. James pangalan ko. Ipinakilala nako say o ni Eli, d mo lang pansin. Boyfriend mo si Eli?”
“Ha?”
“Si Eli……”
Gulat na gulat ako sa tanong niya. Si Eli ay lagi ko kasama at hindi ko na namalayang napagkamalan pala kaming magboyfriend at maggirlfriend. Naku! Nakakahiya naman.
“Palagay mo ba?"
“Ewan. Parang.”
“Hahahaha…(natawa ako ng bongga!) hindi po. Pinsan siya ng barkada ko. Nagkataon na pareho kaming relihiyoso kaya siya palagi ang kasama ko. Pero hindi ko siya boyfriend."
(nakangiti si James)……..parang nakahinga ng maluwag si James. At iyon ay kitang –kita ko.
Nagkahiwalay na kmi pagdating sa simbahan. May mga kaibigan na din akong bago doon at sila ang kasakasama ko kapag ako ay ngpupunta sa simbahan. Gabi-gabi kasi akong ngpupunta doon. At si James ay ganun din pala.
Muli kaming nagkasalubong at nagkasabay pauwi ng dorm ko at ganun din siya sa bahay nila.
“Belle, Alam mo bng magkalapit langtayo ng tinitirhan. Kapitbahay kita.,” sabi ni James.
“Talaga? San ang bahay mo?”
“Sa kaliwa lang ng dorm mo. Lapit diba?”
At nakadating na kami,
“Oo nga. Akalain mo higit dalawang buwan na ako dito ni hindi ko nalamang may kapitbahay pala akong kapareho ko na nagpupunta rin ng simbahan gabi-gabi.”
“Ewan ko sa’yo. Ang suplada mo kasi. Hindi ka namamansin.”
“Hindi naman. Hindi lang talaga kita kilala kaya hindi kita pinapansin. Ganun kasi ako”.
“Halata nga. Pero okay lang. at least ngayon kinakausap mo nako. Ako na yata ang pinakamasaya sa buong mundo ngayon.”
“Ang OA ha?! Pinaka masaya sa buong mundo agad agad?”
“Oo. Ganun talaga. Tagal na kasi kita nakikita, tinitingnan, pinaagmamasdan”.
“Patawa kaba? E pare-pareho lang mga yun”.
May sense of humor si James at nakagaanan ko siya ng loob agad-agad din.
“Ang ibig ko sabihin, gusto ko na palagi kang nakikita”.
“Hahaha…
Stalker ka ba?”
“Medyo! Hahahaha Pwede ba yon?”
“Naku. Baliw ka ba?”
“Ang ganda mo kasi”.
“Ha? Ganda? Saang banda?”
“Basta lakas ng dating mo. Balita ko nga may mga tagahanga ka raw dun sa simbahan. “
“Talaga? At talagang nabalitaan mo pa yun ha.?”
“Oo. May mga alam ako tungkol sa yo.”
“Hala! Stalker nga.
Anu pa ang alam mo tungkol sa akin?”
“Alam ko na Nurse ka. Alam ko na kaya ka nandito sa Maynila ay para amg-aral ulit. Alam ko na taga Quezon Province ka. Alam ko na........
BINABASA MO ANG
STALKER
Short Storyhirap magmahal ng palihim, kayanin mo kayang magtagal na nagtatago?