Stalker(6)

78 1 0
                                    

Ilang araw na lang.  Para akong nagbibilang ng candy na natira sa bulsa ko. Candy na ayaw ko kainin para hindi muna maubos.

Ang totoo, kung pwede lang munang wag kainin ang mga candy na yon, gagawin ko.

Huling araw ko  na. Tinext ko  si James. Magpapasama ako sa kanya dahil may kailangan akong kunin sa bahay ng isang kaibigan namin dun....

"May ginagawa ka ba?" text ko sa kanya.

Medyo matagal siyang magreply. Mukhang ayaw na akong replyan gayong alam na ako ay paalis na.

Matapos ang ilang minuto, nagreply naman siya.

Wala naman, Bakit? tanong nya sa akin.

Samahan mo naman ako. may kukunin lang ako duon kina Eli.

Sige. Basta ikaw!

Basta daw ako,pero kung makareply abutin ng siyam-siyam!

Bumaba na ako ng dorm at doon ay naghihintay na siya.. Actually, naghihintay sa kanila, magkatabi lang bahay namin dba?

Tara na, yaya ko sa kanya.

Habang naglalakad, ang tahimik nya...

Ano nangyari sa yo James? bakit anf tahimik mo yata?

Wala ito. Nalulungkot lang ako.

Alam mo bang sabi ko sa sarili ko na hindi na kita papansinin hanggang sa makaalis ka.

Ha? eh bakit naman?

AAlis na nga ako di ba?  Dapat nga mas pansinin mo pa ko nun....

Ah Basta! Pagkatapos, bigla ka nalang nagtext sa akin,. 

Nakakainis!

HAhahaha.... Bakit nakakainis?

Dapat pala hindi na kita tinext...

 Haaaaay! Hindi naman kita matiis. reply agad ako.

Oh, tsaka ka nagrereklamo dyan.....

Ikaw. seryoso kaya ako. Pero buti nalng nagpasama ka sa akin. At least kahit sa huling sandali nakasama pa kita.

 Tama bang nagpasama pa ako sa kanya? Hindi ko alam mararamdaman ko. Malulungkot ba dahil nalulungkot siya at sila sa pag-alis ko o matutuwa dahil sa nararamdaman nitong si James para sa akin.

Ah, basta, ang alam ko, paalis na ako bukas. Period!

Ayun pala eh, Buti pala ay nagpasama pa ako sa yo.

 Sabay ngiti nya na prang nahihiya pero tingin ng tingin sa akin.

Tingin kaba ng tingin? May dumi ba ako sa mukha?

Wala naman, tinitningnan lang kita baka makalimutan ko ang mukha mo.

 Ahhhh. nagpapatawa ka ba? Oa ka na dyan.

Bakit? masama ba tumingin sa yo? 

Oo. Pag alam ko bawal tumingin sa akin.

Tumingn ka pag di ko alam.

Mas okay yun dba?

Walang anu-ano ay sumagot siya..

Dati ko ng ginagawa yun. 

Alin? 

Ang tumingin sa yo ng di mo nalalaman.

Kakasabi ko  lang ikaw naman tagal mo na pala ginagawa..

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon