Apat na buwan na ako sa Maynila.. Dalawang Linggo nalang uuwi na ako sa amin. Tapos na kasi akong mag-aral. Gusto ko pa sanang i-extend kaya lang wala ng pera pangextend ng pag-aaral. Kaya, kailangan ng umuwi.
Sina Tita Miles palang at Tita Angie ang nakakaalam na uuwi na ako in 2 weeks.
Hindi alam ni James. at ganun din ang buong tropa.
Minsang nagkasalubong si tita Miles at James,
"James, aalis na si Belle"
Si James na gulat sa narinig......
"Po? ano po yun tita?"
"Hindi mo pa ba alam? Uuwi na ng Quezon si Belle. sa susunod na linggo. Dalawang linggo nalang siya dito sa atin...."
Dalawang linggo nalang..................
Dalawang linggo nalang.................
Parang nabingi si James sa narinig at hindi na masyadong pinansin si tita Miles.
"Ok ka lang James? Namumutla ka?"
"Ok lang tita, nalungkot lang po.. Aalis na pala yun hindi man lang magsabi."
Parang pagalit na sambit ni James kay tita Miles.
"Sige, tita, thank you sa balita."
Pauwi nun si tita Miles at si James ay pauwi din sa kanila.
Saktong ako din kakauwi din galing sa pag-aaral.
Paparinig na pagkasabi:
"Pauwi na pala yung isa dyan, hindi man lang magsabi,"
Lumingon ako sa paligid at tiningnan ko kung sino ang tinutukoy ni James sa kanyang mga sinabi.
Wala ni isang tao nun, dahil siesta time yun,. Maaga akong umuwi dahil masama ang pakiramdam ko nun.
"Ako ba ang tinutukoy mo, James?"
"Uuwi ka naba?"
Nagtanong ako at tanong din ang isinagot nya,. mabuting bata talaga.
"Oo. in 2 weeks. pauwi na ako."
Para siyang pinaliguan ng malamig na malamig na tubig na sa sobrang lamig ay natigilan siya sa pagsasalita.
"Bakit alam mo?'
"Bakit hindi mo sinasabi?"
"Kailangan ko bang sabihin? Eh malalaman at malalaman mo din naman. Tulad ngayon, alam mo na."
"Oo nga . Sinabi ni Tita Miles kanina."
"Sigurado na ba yun?"
"Oo naman. saglit lang talaga ako dito. wala akong balak magtagal dito. Hindi mo yata naresearch na saglit lang ako na magsstay dito sa inyo.?"
"Hindi eh. Malungkot ako alam mo ba yon?"
"Pwedeng mahalata?"
"Ikaw talaga, puro ka biro."
Palabiro kasi ako lalo na kung kaclose ko na ang isang tao. Sa totoo lang, masungit ako kung masungit, mabait kung mabait at palabiro kung palabiro........................
depende sa taong kaharap ko.
eh si James naman yun, kaya........
"Masyado ka kasing seryoso James. Hindi naman big deal na uuwi na ako. ok lang yon."
"Sa'yo, ok lang, sa akin hindi."
Alam ko na ang gustong ipahiwatig ni James. hangga't sa maaari ay ayokong sabihin nya ang gustong sabihin ng puso nya sa akin, kaya lahat ng gawang pag-iwas ginagawa ko na.
Hindi naman ako manhid para di maramdamang may gusto siya sa akin,.
Alam ko na yun. Hindi ko lang pwedeng mapaamin siya unang una dahil ayaw ko din talagang mapag-usapan ang mga bagay -bagay na tungkol sa pag-ibig.
"Sige na James, akyat na ako. Masama kasi ang pakiramdam ko eh."
Makaiwas lang sa kung anong pwede pa nyang sabhihin sa akin................

BINABASA MO ANG
STALKER
القصة القصيرةhirap magmahal ng palihim, kayanin mo kayang magtagal na nagtatago?