Hindi na nagsawang magtext sa akin si James. Naku, walang magawa.
Araw-araw na lang. Gabi-gabi.
Dahil sa ako ay nag-aaral, hindi ako masyadong nagrereply sa kanya lalo a kung ako ay walag panreply. Natural di ba?
Pero lagi naman kami nagkakasama. Halos gabi-gabi. Kung minsan ay kwentuhan, may mga aktibidad na nagkakasama rin kami kasama ang buong tropa. Oo, tropa ko na sila. Para ngang ako ang Prinsesa nila dahil ako lang yata ang kanilang tropa na babae na kung maituturing ay talagang pinahahaagahan nila. May mga iba silang kaibigang babae, kung tutuusin ay mas nauna pa nilang nakasama kaysa sa akin, pero sa tingin ko, ako ang pinaka prinsesa.
"Pansin mo ba?" sabi ni James.
"Ang alin?"
"Close ka sa aming lahat."
"Oo nga eh. Minsan nahihiya nga ako eh"
"Bakit naman?"
"Bago lang ako dito pero ako ang naging close nyo. at tingnan mo naman, halos lalake kayong lahat. "
"Eh ano ngayon?"
"Wala naman. Kilala ko naman sarili ko, pero kasi ayaw ko yung may isipin sila sa akin."
"Tulad ng ano?"
"Na........."
Natigilan ako at nahiya.......pero nasabi ko din......
...............malandi ako. dahil puro lalake mga kasama ko."
"Sa tingin ko hindi naman." sabi ni James.
Narelieved ako ng konti....at nangiti....
"Ang malandi ay yong mga babaeng sila ang lapit ng lapit sa mga lalake, na kahit itinataboy na ay lapit parin ng lapit at nasa pananamit naman din yun,. Hindi ka naman ganun Belle."
"Napakasimple mo nga eh."
"Naku ha,. ano yan, binobola mo pako."
"Hindi kaya, dun lang sa nagsasabi ng katotohanan."
"Ayun lang,. parang gusto mong magpalibre ha?
"Pwede ba yon? Tara, ako ang taya. Libre kita."
"Ako nga ang nagtanong di ba?"
"Oo nga, pero ako na ang manllilibre, wag kana kumontra Belle"
"Haaaaay. tara na."
Kumain kami, nagkwentuhan pa din, tawanan......
"Salamat sa libre ha..."
"Walang anuman yun Belle. Salamat din sa pagsama at pagpayag."
Kabado padin si James kapag kasama niya ako. Parang nauutal kung minsan at nahihiya din.
Di ko din matanong at baka lalo siyang mahiya sa akin.
Kaya hinahayaan nalang. Hayaan na lang na ganito. Sa akin ay wala naman yun, kaibigan ko siya at hanggang dun lang muna.
August nun, birthday nya.
Hindi ko alam na Birthday nya, hindi naman ako stalker kagaya nya. Pero nalaman ko na birthday nya kay Tita Miles.
"Totoo tita?Birthday nya po ngayon?"
"Oo, hindi mo ba alam?"
"hindi po eh, di ko po tinatanong sa kanya."
"Halika, puntahan natin sa kanila"
"Ay, sige po tita."
At pinuntahan namin para batiin ng personal.
Gulat na gulat siya dahil hindi nya inaakalang pupunta kami sa kanila.
Pinapakain naman kami kahit hindi kami invited sa birthday party niya.
"Sige lang, dumaan lang kami para batiin ka" sabi ni tita Miles.
"Happy Birthday James." sabi ko sa kanya.
Nangiti at walang iba pang nasabi.
Masaya si James. na parang musikang umaawit sa tenga nya ang pagkakabati ko sa kanya.
Hindi na kami nagtagal at hindi na din kumain dahil pupunta pa kami ng simbahan ni tita Miles.
Binati lang talaga namin sya..
12:00 ng umaga na:
1 message received.
"Belle, salamat sa pagpunta kanina para batiin ako. Hindi ko inexpect na pupunta ka."
"Walang anuman. Idea ni tita Miles yon"
"Kahit na anu pa, Basta napasaya mo ako"
"Sus. wala yon!"
Na wala naman talaga sa akin yon na sa kanya ay napakabigdeal. Hanggang sa tuwing nagkikita kami ay lagi nalang siyang nahihiya. pero nakakapagbiruan pa naman kami. Pero yun ay kung kasama ang buong tropa o kahit isa man lang sa kanila ang kasama nya na nakikipagusap sa akin.
Dahil kapag siya anlang ang magisa na nakikipagusap sa akin ay lagot na. medyo tatahimik na siya.
"Ano kayang problema nun" sabi ko sa sarili ko.........
BINABASA MO ANG
STALKER
Short Storyhirap magmahal ng palihim, kayanin mo kayang magtagal na nagtatago?