Nalaman na ng buong tropa at mga kasama, mga kaibigan ko doon na aalis na nga ako.
Para akong OFW na mamimiss nila na pupunta na ng ibang bansa para maghanapbuhay.
Bilin doon .
Bilin dito.
Tanong doon.
Tanong dito.
Kailan ang balik mo?
Kailan ka dadalaw ulit dito?
Wag ka na lang umalis.
Dito ka muna.
"Dito ka nalang tumira sa amin.... " sabi pa ni tita Miles.
"Kasama mo si Aina sa bahay. Tabi kayong matulog kung gusto mo.
Pwede ka magbakasyon dito anytime na gusto mo ha.."
Alam kasi ni tiata Miles na isa sa dahilan ng pag-uwi ko ay ang wala ng maipambayad sa dorm, kaya inoffer na niya ang bahay nya para lang wag muna akong umalis.
"Tita Miles, thank you po. Pakisabi nalang kay Aina. "
"Ay, Belle! Mamimiss ka ng batang yun."
Si Aina ay anak ni tita Miles.
Makulit na bata.
Pag free time ko, kasama ko din yung bata na yun.
Kung minsan ay nagpapaturo siya sa akin ng mga homeworks na napakahirap sagutin para sa
Batang kagaya nya.
"Gusto mo ba sumama muna sa amin para Makita mo si Aina?"
"Sige tita. "
"Para ikaw na rin ang magsabi na aalis ka na.
Naku, iiyak yung batang yon.
Mamimiss ka nun ng sobra...."
"Wag naman na umiyak pa siya tita."
"Oo. Ganun yung bata na yon.
Kapag may nagiging kaibigan siya ay nalulungkot ng sobra kapag malamang iiwan na siya.
At nag-iisa kasi siya kaya ganun, parang may ate kasi siya kapag nandyan ka..."
Nakarating na kami sa bahay nila.
"Aina, andto c ate Belle mo."
"Ate Belle………….
Yehey nandito si ate Belle. May magtuturo na sa akin sa English!"
"Ikaw talaga Aina… " sabi ni tita Miles sa kanya…
"Ok lang po yon tita Miles. Last na matuturuan ko siya."
"Bakit last na ate?"
"Aalis na ako next week.. Uuwi na ako next week Aina."
"Ha? Uuwi ka na? Bakit?" (paluha na ang bata)
Ako naman ay mangiyak-ngyak na din at hindi ko malaman san kukunin ang sagot sa tanong nya
At ng hindi na tumuloy ang mga luha na malapit na pumatak mula sa mga mata niya.
Tapos na ko mag-aral Aina. Kaya kailangan na umuwi.
"Bakit? " Ang tanong pa din ni Aina.
"Oo eh…."
"Di kana babalik dito?"
"Hindi ko pa alam eh……"
"Bibisitahin mo ako?"
"Oo sige, bibisitahin kita minsan, pero hindi ko pa alam kalian eh."
"Ate Belle…. Naiiyak na ako…………"
At unti-unti na lumuha ang kanyang mga mata…
"Bata ka… halika nga dito. (Sabay yakap sa kanya)"
Nakaramdam na din ako ng kalungutan sa mga sandaling iyon.. Parang ngayon pa lang nagsisink-in sa utak ko na aalis na ako at may mga maiiwan akong mga kaibigan na angsabi nilay a ikalulungkot nila ang pag-alis ko.
Nakakataba naman ng puso na sa maikling panahong nakilala nila ako ay ganun ang treatment nila sa akin.
"Ate Belle, paano na si kuya James? Uyyyyyyyyyy!"
Narinig ni tita Miles ang tanong ni Aina at pinagbawalan siya.
"Si kuya James mo? Anong nangyari sa kanya?" (Patanong na parang walang alam.)
Lagi kasing inaasar ni Aina si James sa akin. Na dahil daw lagi daw kami magkasama. Na kung nililigawan daw ba ako ni James. Mga bagay na ganun ang pang-aasar ni Aina sa amin.....
Totoo naman, na lagi kami magkasama... kaya naman pati bata, ay iniintriga kami.......
![](https://img.wattpad.com/cover/1786191-288-k586507.jpg)
BINABASA MO ANG
STALKER
Short Storyhirap magmahal ng palihim, kayanin mo kayang magtagal na nagtatago?